Dapat kay Bongbong Marcos protest supervising
justice Alfredo Benjamin Caguioa, KAY LENI ROBREDO NA SUMUWELDO at lumayas na
hindi lang sa naturang posisyon kundi bilang
justice na rin ng Supreme Court. Sa lalong madaling panahon.
DETALYDO AT MALINAW NA MALINAW ang naging
expose at paliwanag ni Attorney Glenn Chong sa kaniyang expose ng vote counting
machine transmissions para sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur ISANG ARAW BAGO
ang May 2016 elections. KUMPLETO rin ang ebidensiya ni Glenn tulad ng audit at transmission
logs.
Pero KAHIT ISANG SALITA, WALA PANG NARIRINIG
hanggang ngayon mula kay Caguioa bilang protest supervising justice. KAHIT ISANG SALITA ng pagbatikos/kondemnasyon;
rekomendasyon ng posibleng aksiyon o AGARANG HAKBANG na maaari niyang gawin
upang malaman sa lalong madaling panahon ang katotohanan, o utos sa Comelec at
Smartmatic na magpaliwanag.
Para bang WALANG NANGYARI para kay Caguioa.
Tulad ng MALA-SEMENTERYO niyang KATAHIMIKAN sa
Pansol outing ng isang revisor ni Robredo at 24 na tauhan ng Presidential
Electoral Tribunal (PET), sa napakaraming ebidensiya at plaatandaan ng DAYAAN sa
mga balota at ballot box mula sa teritoryo ni Leni na Camarines Sur at mga
naulat na basang balota mula sa Iloilo province. NI ISANG SALITA MULA KAY CAGUIOA, WALA! Itama
ako ninuman kung mali ako.
Sa halip na aksiyon, ano ang napala nating
sambayanan na siyang gumastos sa eleksiyon at nagpapasuweldo kay Caguioa sa
pamamagitan ng ating mga buwis at iba pang bayarin sa gobyerno? NEWS BLACKOUT
sa manual recount ng mga boto nina Bongbong at Robredo.
Si Leni din lamang ang tanging nakikinabang
sa ikinikilos mo, Mr. Justice, SA KANIYA KA NA MAGTRABAHO AT SUMUWELDO.
TANTANAN mo na ang pera ng
sambayanan para sa suweldo mo at anumang benepisyo mula sa SC.
AGRABYADO NANG SAGAD ang sambayanan sa iyo. 30
Naku walang binatbat itong si Cagioua. Wala tayong maaasahan dyan dahil his lips are sealed with money.
ReplyDelete