Sunday, September 30, 2018

MAS LALONG DAPAT PARUSAHAN SI BERTIZ!



Kahit na nag-sorry na siya ay MAS LALONG DAPAT PARUSAHAN si Congressman Aniceto 'John' Bertiz III (ACTS OFW party-list) dahil sa PALUSOT ng kaniyang opisina kung bakit niya HINIYA AT TINANGGALAN NG IDENTIFICATION CARD (ID) ang isang security officer sa NAIA Terminal 2 domestic departure area.

In a story in https://www.philstar.com/headlines/2018/09/30/1856097/solon-scolding-naia-security-screener-viral-video-says-sorry, Bertiz’s chief of staff, Jun Aguilar, alleged that “a group of Chinese-looking passengers escorted by airport staff had breezed through and did not undergo the same security protocols that everybody else had to go through. The congressman questioned the security checker why those who went before him just casually walked through and were not properly searched.”

HINDI SI BERTIZ ANG MANAGER ng Terminal 2. Lalong hindi siya ang general manager ng NAIA.  Kaya’t WALA SIYANG LEGAL O MORAL na karapatan o kapangyarihan para HIYAIN ang sinumang tauhan ng Terminal 2 kaugnay ng trabaho nito. LALONG WALANG ANUMANG KAPANGYARIHAN si Bertiz na tanggalan ng ID sa harap ng publiko ang sinumang empleyado doon.

Ipagpalagay na (hindi ko sinasabing totoo) na may nakita siyang mga mukhang Chinese na hindi sumailalim sa security check. Congressman siyang naturingan pero HINDI NIYA GINAWA ang tamang proseso na AGAD IPAGBIGAY-ALAM ito sa mga opisyales ng Terminal 2. At hindi iyong ilalagay niya sa kaniyang kamay ang anumang aksiyong dapat gawin. Sino siya sa akala niya?

Kung iyong mga Chinese KUNO ang depensa ni Bertiz, MAS NAKAKAHIYA pa rin siya kesa mga ito. Dahil congressman siya, gumagawa siya ng batas, pero SINUNDAN NIYA ANG DIUMANO’Y MALING NAKITA NIYA NG MGA PAGKAKAMALI DIN!

Oo, mga kababayan, MGA PAGKAKAMALI. HINIYA na ni Bertiz at  tinanggalan ng ID yung security officer, HINDI PA SIYA SUMUNOD sa pagtanggal ng sapatos niya na kabilang sa security procedure ng Terminal 2.

Kapag hindi naparusahan si Bertiz sa anumang paraan,  hindi lamang kaniya kundi image ng lahat ng congressman ang mawawasak sa mata ng sambayanang Pilipino. Kundi man sa buong mundo.
                                                             ***
Guys, in case you see ads around our blog, please support them with a click. They’re ads by google ad sense and google supports our blog. Thanks, always, and God bless. 30



6 comments:

  1. kick him out, congressman underserving!

    ReplyDelete
  2. Mambabatas na unang sumisira sa batas. NAKAKAAWA KA, isa ka sa masasampolan ng ng PAGBABAGO NG PILIPINAS.

    ReplyDelete
  3. Just wondering kung meron din etiquette 101 ang mga mambabatas...
    marami kasing mga mayayabang. Akala nila dahil nasa position sila, they are authorized to do whatever they want.

    ReplyDelete
  4. Just wondering kung meron din etiquette 101 ang mga mambabatas...
    marami kasing mga mayayabang. Akala nila dahil nasa position sila, they are authorized to do whatever they want.

    ReplyDelete
  5. sa airport ang yabang tapos sorry daw ano yun yari ka kay tatay digong yan ang ayaw na ayaw nun naturingan kang congressman asal mo parang grade 1 pupil ipagyabang mopa id mo bakit ikaw lng ba my id giatai ka.

    ReplyDelete