SPEAKER ARROYO ANNOUNCES THE P35K GROCERY ALLOWANCE |
Bagama’t iilan ay may mga nakuha pang
bumatikos sa inaprobahan ni Speaker
Gloria Macapagal-Arroyo na P35,000 na grocery allowance para sa mga empleyado
ng House of Representatives.
Dalawang halimbawa: May nagsabi na bigyan na
lang ng kahit P30,000 iyong mga walang bahay para mas maging kapako-pakinabang.
Mayroon namang nagsabi na corruption daw ang pagbibigay ng P35,000 at opisyales
ng gobyerno kamang ang lagging nabubusog. Kaya LIWANAGIN NATING MABUTI:
Tulad ng nabalita na sa https://news.abs-cbn.com/news/09/03/18/arroyo-says-house-staff-to-get-p35k-grocery-allowance,
MGA EMPLEYADO LAMANG
ng House ang bibigyan ng P35,000. WALA nang iba, walang sinumang opisyal ng
gobyerno. Manggagaling mismo sa pondo ng House ang pera, HINDI sa kung
saan man o sa kaninuman. At INIHAYAG ni Speaker Arroyo ang P35,000 allowance sa
HARAP MISMO ng mga empleyado ng House. HINDI ITO INILIHIM.
Kaya TOTALLY UNFAIR naman sa mga namumuno at empleyado ng House na
bansagan pang corruption ang P35,000 na allowance at mga opisyales lamang ng
gobyerno ang nabubusog. Sa tanggaspin o hindi ng mga kritiko, PINAGHIRAPAN NG
MGA PAMUNUAN AT MGA EMPLEYADO ng House ang pondo para sa allowance ena iyon
dahil sa kanilang MAHUSAY NA PAMAMALAKAD AT PAGTITIPID!.
Para sa mga walang bahay pa, MAYROOONG IBANG AHENSIYA ng
gobyerno na may responsibilidad para sa kanila. At may BUKOD NA PONDO ang
gobyerno para sa pabahay. Kaya’t WALANG MASAMA kung ang pondo ng House ay mga
empleyado rin nito ang makinabang.
Kaya sa mga bumabatikos at balak buimanat pa sa P35,000 grocery
allowance ng mga empleyado ng House, iyong mga DAPAT LAMANG NA ATAKIHIN ang
harapin ninyo, Gaya ng pagkamatay ng halos 80 nang bata dahil sa Dengvaxia
deaths at ang USAD PAGONG na kaso ng SAF 44 MASSACRE.
MAGPAKATOTOO KAYO na dapat lang tayong matuwa na may mga
kababayan tayong nakatanggap ng hindi inaasahang biyaya. 30
No comments:
Post a Comment