Ayoko na sanang patulan dahil nasa husgado na
ang kaso. Pero TRIPLE KAPAL NG MUKHA na ang ipinapakita ni Antonio Trillanes
kaya bago siya may maloko o madramahan, magkaliwanagan na:
Sa isang balita sa https://news.abs-cbn.com/news/09/25/18/trillanes-democracy-lost-today,
sinabi ni Trillanes na: "Natalo po ang demokrasya ngayong araw na ito. Officially
ay wala na po tayong demokrasya. “
HINDI si Trillanes ang DEMOKRASYA. HINDI rin
siya ang simbolo ng demokrasya sa ating bansa. At WALA siyang anumang KAPANGYARIHAN
O KARAPATAN, legal man o moral, na maghusga kung may demokrasya pa wala na dito sa atin. Kahit na sinong senador
ay WALANG KARAPATAN O KAPANGYARIHAN para gawin iyon. Itama ako agad-agfad
ninuman kung mali ako.
Sa ibang balita naman, sinabi ni Trillanes na
kahit na nakapagpiyansa na siya at maaari nang umujwi, sa Senado pa rin siya
maninirahan (https://news.abs-cbn.com/news/09/25/18/were-waiting-for-a-miracle-trillanes-to-remain-at-senate-after-posting-bail).
Talagang ginawa ng hotel, condominium o
anumang gusto ninyo itawag, ni Trillanes ang Senado. Kahit na bilang senador ay
alam niyang ang Senado ay PARA LAMANG SA PAGGAWA NG PANUKALANG BATAS. At hndi
bilang PAHINGAHAN ninuman. At huwag nating kalimutan, mga kababayan: TAYO ANG
NAGBABAYAD, sa pamamagitan ng ating mga buwis, sa iba pang dagdag gastusin gaya
ng kuryente at tubig, makokonsumo ni Trillanes sa Senado.
Sa (https://news.abs-cbn.com/news/09/25/18/were-waiting-for-a-miracle-trillanes-to-remain-at-senate-after-posting-bail).
pa rin, sinabi pa ni Trillanes tungkol kay Pangulong Digong na: “Na-obsess siya sakin eh, kailangan niya kong iligpit."
Humigit kumulang dalawang taon
nang halos WALA KANG TIGIL sa katitira kay Digong, Trillanes. Sa sari-saring
dahilan, gaya DIUMANO ng mga extra-judiciual killings. Naglabas ka pa ng mga
testigo, gaya ni Edgar Matobato. Lahat na yata ng klase ng insulto, inabot na
ni Digong sa iyo. Pero KAHIT KAILAN, HINDI KA NIYA IDINEMANDA ng libel o anupamang
kaugnay na kaso. Bilang senador, alam
mo na HNDI PUWEDENG MAKIALAM si Digong sa husgado dahil sa separation of powers
ng Executive Department at ng Judiciary. O alam mo nga ba?
Kaya MANAHIMIK NA AT MAHIYA KA
NAMAN, Trillanes. HINDI MO MADA-DRAMAHAN ang greater majority o higit na
nakararami, sa Sambayanan. Sa maniwala ka o hindi. Ngayon at kailanman.
***
Guys, in case you see ads around our blog,
please support them with a click. They’re ads by google ad sense and google
supports our blog. Thanks, always, and God bless. 30
No comments:
Post a Comment