Friday, September 14, 2018

LENI HINDI MAKONTRA ANG MGA DAYAAN


Image result for images for leni robredo
Hindi lang ang Comelec ang WALANG MAIPAKITANG EBIDENISYA HANGGANG NGAYON na  kayang kontrahin ang patuloy na pagbubulgar ni Glenn Chong at ng iba ng mga dayaan noong 2016 eleksiyon. PATI NA SI LENI ROBREDO!

Sa mga ibinulgar ni Glenn na MALAKING PAGKAKAIBA ng bilang ng mga botong narecord sa Comelec Central Server kontra sa mga naitala sa transparency server at iba pang canbassing systems noong bilangan, WALANG NAISAGOT ANG COMELEC kundi titingnan nila ang kanilang mga record.

Nauna rito, ibinulgar ni Glenn at ng mga Presidential Electoral Tribunal (PET) insider ang mga basang-basa o punit-punit na mga balota mula sa mismong teritoryo ni Leni na Naga City.  At ang transmission o pagpapadala ng mga resulta ng botohan sa mga vote counting machines (VCM) sa Ragay sa Camarines Sur ISANG ARAW BAGO ANG AKTWAL NA ELEKSIYON.

Ang TANGING NASABI ni Leni: Hiniling niya sa PET na imbestigahan kung paano nakakuha si Glenn ng mga ebidensiyang hawak nito. Pansinin  ninyo, mga kababayan: HINDI IYONG DAYAAN ANG KINUWESTIYON, IYON LAMANG PINANGGALINGAN NG EBIDENSIYA. Kayo na ang humusga, mga kababayan.

At itama ako ninuman kung mali ako: KAHIT ISA sa mga nauna nang nabulgar na ebidensiya ng dayaan ay WALA pa ring nakontra o napatunayan si Leni na hindi totoo.

Halimbawa: Iyong Pansol outing ng isang revisor niya at ng mahigit 20 tauhan ng PET. Nauna pa si Leni sa PET  sa pagsasabing inimestigahan at dinesisyunan na iyon ng PET. Humingi si Bongbong Marcos ng kopya ng investigation report at ng desisyon. HANGGANG NGAYON, WALANG IBINIBIGAY sa kaniya ang kahit na sino.

Nariyan din ang mga SQUARE na biglang lumabas SA TABI NG PANGALAN ni Lenis a mga balota na nabilang na. Sinabi ng kampo ni Leni, at kung tama ako ay pati na ng Comelec, na pinaalam ang square s amga kandidato sa isang briefing bagoi mageleksiyon noong 2016. Sinabi ni Bongbong na hindi siya inimbitahan at humingi siya ng kopya ng minutes ng meeting. WALANG NAIBIGAY SA KANIYA.

Tulad ng nasabi ko na, LANTARANG TARANTADUHAN NA ang ginagawa sa atin, mga kababayan. Huwag magpaloko sa maraming press releases. 30





No comments:

Post a Comment