Friday, September 7, 2018

TODO, LANTARANG PROTEKSIYON SA COMELEC, SMARTMATIC!

Image result for images for marlon garcia of smartmatic
MARLON GARCIA OF SMARTMATIC

Sa aminin o hindi ng mga kinauukulan, LANTARAN AT TODONG PROTEKSIYON na ang ibnibigay sa Comelec at Smartmatic. At higit sa lahat, sa mga MANDARAYA noong 2016 election. PAKAPALAN NA NG MUKHA to the max talaga.

WALANG BALITA HANGGANG NGAYON kung ano ang  resulta ng closed-door hearing na isingawa ng Joint Congressional Oversight Committee (JCOC) TUNGKOL SA NAGING DAYAAN. Ginawang closed-door ang hearing kahit na WALA namang peligro sa national security ang resulta ng hearing. Wala namang bansang gigiyera sa atin o hindi naman magkaka- civil war.

WALA pa ring nababalitang PORMAL/OPISYAL NA SAGOT ang Comelec sa mga DETALYADONG PAGBUBULGAR ni Glenn Chong sa naunang hearing sa Senado tungkol sa dayaan, gaya ng PAGKAKAROON AT PAGPAPADALA ng mga RESULTA ng vote counting machines sa ilang lugar ISANG ARAW PA BAGO ANG BOTOHAN.  WALA ring nababalita na napagalitan man lamang, at inaapura na ang Comelec ninuman.  

WALA ring ANUMANG AKSIYON laban sa o PARUSA sa Smartmatic ang Comelec o sinuman HANGGANG NGAYON. Kahit na DALAWANG TAON  na mahigit mula nang PAKIALAMAN NILA NG WALANG PERMISO ang  script ng transparency server at sunod-sunod na palatandaan na ng PANDARAYA ang kinasangkutan nila.

HANGGANG NGAYON, AYAW IPAKITA ng Comelec ang script ng transparency server. At WALA pa ring nababalitang AKSIYON O IMBESTIGASYON AT RESULTA sa mga DAYAANG NABISTO NA sa teritoryo ni Leni Robredo na Camarines Sur.

Higit sa lahat, TULOY PA RIN ANG NEWS BLACKOUT sa mga nangyayari o nadidiskubre sa manual recount ng mga boto nina Robredo at Bongbong Marcos. Kaya anumang DAYAAN O  ANOMALYA na mabibisto, HINDI NA NATIN MALALAMAN mga kababayan.

Ganito na ang MALA-DIYABLONG KAWALANGHIYAAN na ginagawa sa atin, mga kababayan. At HINDI nangyayari ang mga ito ng LIBRE. O ng BARYA-BARYA. May NAGKAKAKUWARTA ng MILYON-MILYON DITO. 30




1 comment: