Sunday, September 30, 2018

ITO ANG IPALIWANAG MO, BERTIZ


Solon in viral airport video 'definitely' breached protocols: officials
Nagpupumilit ka rin lang lumusot sa ginawa mong iskandalo sa NAIA Terminal 2, ito ang ipaliwanag mo Congressman Aniceto Bertiz:

May AUTHORIZATION o anumang klaseng kapangyarihan o permiso ka ba para tanggalan ng ID card ang sinumang empleyado ng Terminal 2 dahil sa kung anupamang dahilan?  Kung mayroon, ilabas moa gad-agad at nang malaman ng publikoi kung sino ang nagbigay sa iyo at bakit.

May EXEMPTION ka ba sa pagtatanggal ng sapatos bilang bahagi ng security check ng Terminal 2? Kung mayroon, ilabas mo agad at ipaliwanag kung bakit ka exempted. Kung wala, bakit hindi ka sumunod sa regulasyon?

Kung totoong may nakita lang mga mukhang Chinese na hindi dumaan sa normal na securitry check at mayroon pang escort na empleyado ng Termina 2, bakit hindi ang mga iyon ang hinabol mo?  Bakit iyong security officer ang hiniya mo at tinanggalan ng ID? 

Kaugnay nito, maglabas ka ng testigo na nakakita rin ng sinasabi mo. Nagpaparatang ka na laban  sa ibang tao kaya hindi maaaring salita mo lamang ay sapat na.

You only have two choices, Bertiz: Present all these to clear your name or shut up and settle this, quietly, to spare yourself from self-destruction. Nothing else. 
                                                                 ***
Guys, in case you see ads around our blog, please support them with a click. They’re ads by google ad sense and google supports our blog. Thanks, always, and God bless. 30





2 comments:

  1. ay naku parang tupang humihingi ng paumanhin, wala pa lang bayag, hahaha

    ReplyDelete
  2. Sumunod sa protocol ng paliparan..Si Maam Imee Marcos..isang ihemplo at huwarang mamamayan..salute ako sa iyo Maam Imee.

    ReplyDelete