Friday, September 7, 2018

DOKUMENTO NI TRILLANES, HUWAG PANIWALAAN AGAD!


Image result for images for antonio trillanes
Sa isang istrorya sa https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/09/07/1849448/dnd-documents-sa-amnesty-inilabas-ni-trillanes, iniulat na naglabas na si Antonio Trillanes IV ng mga dokumento  mula DIUMANO sa Department of National Defense (DND) na nagpapatunay na nag-aplay siya para sa amnesty at inamin ang kanyang mga nagawang kasalanan sa gobyerno.

Para sa akin, HINDI DAPAT PANIWALAAN AGAD ang mga dkumentong ito.

Una: Kung GENUINE ang mga ito, di sana ay AGAD NAGHAMON na ng komprontasyon si Trillanes sa mga nagaakusa sa kaniya para maipakita ang mga ito. Ipinatawag na sananiya agad ang commander ng mga sundalo o pulis na nakabantay sa Senadoi upang maipakita man lamang niya ang mga ito at hilinging ipaalam agad nila sa kanilang mga nakatataas. At hindi iyong sa media lamang niya ito inilabas.

Pangalawa: Kailangan munang may magcertify o magpatunay mula sa DND na genuine ang mga dokumento at HINDI PINEKE LAMANG.

Huwag nating kalimutan, mga kababayan, ilang buwan na ang nakakalipas ay nagyabang si Trillanes na  may mga dokumento siya mula sa Anti-Money Laundering Council na nagpapakitya KUNO ng mga tagong yaman ni Pangulong Digong Duterte. Pero AGAD sinabi ng Coouncil na HINDI SA KANIOLA galling ang mga iyon at walang sinumang binigyan ng permiso para magbigay ng anumang papeles kay Trillanes.

Kaya SOLIDO at GENUINE na ebidensiya  muna bago gamitin ang media. Hindi iyong publicity muna, daldal muna.  



2 comments:

  1. If the documents Trillianes will soon present are genuine,the DND & AFP would have a copy of them. Now, because the man is a chronic liar and false accuser, meaning lying is his way of life, the documents should be triply checked and its authentication.

    ReplyDelete
  2. The best way for Trillanes to proved that he has the genuine copies of the application and certification of amnesty is to have it published in major broadsheets and tabloids with the date of receipt stamped on it by offices concerned like DND and other government institutions who has jurisdiction of his case/(amnesty procedures). As simple as that.

    ReplyDelete