Friday, September 14, 2018

NEWS BLACKOUT ULIT SA MGA BAGONG DAYAAN


Image result for images for glenn chong
NEWS BLACKOUT na naman sa mga BAGONG DAYAANG IBINULGAR ni Glenn Chong.

Ibinulgar ni Glenn sa hearing sa Senado noong Miyerkules na yon sa mga dokumentong kaniyang nakuha, umabot sa 555,896 votes ang nairecord sa transparency server. Pero nang naitransmit na ang mga ito sa Comelec Central Survey, umabot LAMANG SA 213,814  boto ang nabilang. KULANG NG 342,082 BOTO. Idinagdag pa ni Glenn na kung susumahin ang bilang ng mga boto na narecord sa lahat ng canvassing systems ng Comelec, aabot 193,429,513. PERO nang naitransmit na ang mga ito sa Comelec Central Survey, umabot lamang sa 193,187,801 ang bilang ng mga boto. KULANG ng 241,712.

Heto ang akin: Nang hingan ng komento sa hearing ang isang opisyal ng Comelec, WALA ITONG NASABI KUNDI TITINGNAN daw nila ang kanilang logs. Dahil sila man daw ay nalalakihan.

Kundi ba naman tayo TINATARANTADO, mga kababayan, 342,082 BOTONG KULANG HINDI NILA NAPANSIN MULA’T SAPUL? Tiyak namang walang aamin sa kanila na isang tambak silang kung hindi mga TANGA AY IRESPONSABLE. Gayundin ang 241,712 BOTONG KULANG sa nabilang ng Comelec Cenral Survey kointra suma total ng lahat ng botong nabilang ng lahat ng canvassing systems.

Mula kahapon hanggang sa sulatin ko ang blog na ito ngayon, WALA ni isang mainstream media company na NAGBALITA NG MGA IBINULGAR ni Glen. Kahit na HARAPAN NIYA ITONG PINALIWANAG sa publiko, sa harrap ng mga camera. Ang mga lumabas na balta tungkol sa hearing ay PAPURI, ‘PA-POGI’ LAMANG sa Comelec, tulad ng 82 hakbang na isinagawa nito para mapaayos ang automated election cheating.

PA-GRABE NG PA-GRABE ANG HARAP-HARAPANG PANGGAGAGO sa atin, mga kababayan, pagdating sa dayaan sa halalan noong 2016.

Pansinin ninyo, ang dayaan ay nasa LEBEL NA NG COMELEC, hindi lang sa lokal. At sangkot na naman ang TRANSPARENCY SERVER, na tulad ng alam na nating lahat ay PINAKIALAMAN NG WALANG PERMISO ng Smartmatic noong unang gabi ng bilangan. PAKIKIALAM NA AYAW IPAKITA ng Comelec hanggang ngayon. 30

8 comments:

  1. Curious ang taong gustong makita ang katotohanan, ito ay mausisa at pilit inaalam ang mga pangyayari at naging kaganapan (ang nakapagtataka dito ay hindi kinakitaan si koko pimentel ng interes at pagkasabik para suriin ang katotohanan sa nangyaring dayaan) kapunapuna ang pag baliwala niya sa mga inilalahad ni Atty Glen Chong (kahit na may kalakip na mga ebedensya)

    ReplyDelete
    Replies
    1. i agree 100 percent, kiddie..salamat sa comment.

      Delete
    2. dibali mag news blockout sila alam na ngun ng taong bayan yan lahat farti fb nakikisa sa dilawan sa pandaraya

      Delete
  2. Garapalan na nga mga senador. Kailangan magkaisa lahat ng Pilipinong naniniwala sa sagrado nating boto na mag aklas nationwide.

    ReplyDelete
    Replies
    1. TAMA KA SIGURO,, ANG KAILANGAN NATIN AY MAG-AKLAS NA PARA MALAMAN NG COMELEC AT SMARTMATIC NA TOTOHANAN NA ITO,,KAILANGAN MAY MANAGOT SA SMARTMATIC ATY COMELEC,, KUNG KAILANGAN MAG-DECLARE NG REVGOV SI PANGULONG DUTERTE AY HILINGIN NATIN,,MATAPOS LANG LAHAT NG ITO!!!

      Delete
  3. dapat manomano nlang para walang dayaan

    ReplyDelete
  4. pinanindigan na talaga ng mga yellow LP at kanilang mga dilawang alagad ng dilim pati na rin ang mga yellow biased media na legal ang pagkapanalo ni lugaw mula sa riding tandem na smartmagic at comeleak. dapat na cguro na pumasok na si PRRD dito...

    ReplyDelete
  5. This is so disappointing.Election fraud is even more serious than trillianes' arrest. But that story is the one being reported by media.

    ReplyDelete