Wednesday, September 26, 2018

TAUMBAYAN GINAGAGO NI LENI SA PET RULING!


Image result for images for glenn chong
Lumalabas ngayon na GINAGAGO ni Leni Robredo ang taumbayan sa deklarasyon niyang nanalo siya sa desisyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na kumiulala sa 25 percent ballot shading threshold na hiniling niya. Na kung tutuusin, WALA SIYANG NAIPANALO.

Ang mga sumusunod ay mula sa Facebook post ni Glenn Chong  tungkol sa paliwanag niya sa PET ruling. HINDI BINANGGIT ni Leni ang mga ito sa ikinakalat nilang press release ngayon. WALA AKONG BINAGO anuman sa mga ito:

Ang sabi ng PET, partial lamang ang reconsideration na ibinigay nila sa Motion ni Robredo na gawing 25% ang threshold. (Par 3, Page 6). Hindi siya pinagbigyan sa kanyang buong kahilingan. Walang categorical declaration na 25% na nga ang shading threshold. Ang malinaw na sinabi ng PET, ang Rules ay hindi nagbago – 50% pa rin ang threshold na susundin ng PET sa protesta.

Dahil ang layunin ng revision proceedings ay recount lamang ng mga boto ng magkatunggaling partido, nilinaw ng PET na ipapatupad ito sa pamamagitan ng pagmimick kung paano binasa at binilang ng VCMs ang mga boto (Par 5, Page 11). At dahil sa mga teknikal na kadahilanan ay hindi na magamit ang mga VCMs upang maipatupad ito, ang printed Election Returns na lamang ang pagbabasehan muna ng initial segregation o paghiwa-hiwalay ng mga balota at hindi na gagamitin ang threshold (Par 1, Page 18). Ito ang buod ng sinabi ng PET na “ang 50% shading threshold ay hindi na gagamitin” (Par 3, Page 11).

Nilinaw pa ng PET na wala ring basehan upang baguhin o magpatupad ng panibagong threshold sa 2018 Revisor’s Guide kung saan 50% din ang nakasaad na shading threshold (Par 1, Page 9). In fact, ayon sa PET, hindi naman totoong 25% talaga ang threshold ng mga (vote counting machines) VCMs.

Ayon mismo sa mga pleadings ng Comelec at kampo ni Robredo, makikita na hindi eksaktong 25% ang threshold na diumano ay ginamit. Ang nakita ng PET ay range of 20% - 25% (Par 4, Page 9). Mas lumabo ang threshold nila. Dagdag pa ng PET, walang ipinalabas na opisyal na dokumento bago ang 2016 elections na magpapatunay na ang mga VCMs ay, in fact, nakaset sa 25% (Par 2, Page 10).

Dagdag pa ng PET, ang RMA Guide, standing alone, ay hindi official issuance o official act ng Comelec kaya wala talagang legal na basehan upang baguhin o amyendahan ang 2010 PET Rules, lalong-lalo na sa isyu ng revision ng mga balota (Par 6, Page 8).  Nilinaw pa ng PET na wala ring basehan upang baguhin o magpatupad ng panibagong threshold sa 2018 Revisor’s Guide kung saan 50% din ang nakasaad na shading threshold (Par 1, Page 9).

Katunayan, malinaw na sinabi ng PET na hindi isyu sa revision proceedings ang threshold dahil ang threshold na ginamit ng VCM ay hindi ang pinal na determinant o basehan kung ang boto ay bibilangin ba pabor kay (Bongbong Marcos) BBM o kay Robredo. Ang mga balota ay isasailalim pa sa pagbusisi ng PET upang malaman ang totoong intensyon ng mga botante at titimbangin ito ayon sa objections at claims ng magkabilang panig (Par 1, Page 2).

Sumagot na ang gustong sumagot.

                                              ***
Guys, in case you see ads around our blog, please support them with a click. They’re ads by google ad sense and google supports our blog. Thanks, always, and God bless. 30


3 comments:

  1. Ang SC ay walang kulay. Hindi yellow, pula o bughaw.Katotohanan at hustisya ay katungkulan ng SC para sa lahat. Magtiwala tayo sa SC at hindi sa mga trapong poliko na ang hangad ay guluhin ang ating isipan sa katotohanan para sa lamang sa kanilang kapakanan.

    ReplyDelete