Wednesday, September 26, 2018

SA SHADING MAY AKSIYON, SA DAYAAN WALA!


Image result for images for alfredo benjamin caguioa
May isang MASAGWA AT NAKAKADISMAYA sa lumabas na ruling ng Presidential Electoral Tribunal (PET) tungkol sa 25 percent ballot shading threshold.

Sa usaping iyon, may resolusyon na si Bongbong Marcos protest supervising justice Alfredo Benjamin Caguioa. Na siyang inaprubahan ng buong Tribunal.

Pero sa  mga DAYAAN AT SENYALES NG DAYAAN NA NADISKUBRE NA, mula pa noong UNANG GABI NG BILANGAN ng 2016 elections nang PAKIALAMAN NG SMARTMATIC NG WALANG PERMISO ang script ng transparency sever, NI ISANG SALITA WALA mula kay Caguioa. AYAW IPAKITA ng Comelec HANGGANG NGAYON ang ginawa ng Smartmatic. At WALANG ANUMANG INDIKASYON NA PINAGIIsipan man lamang ni Caguioa na ipalabas na iyon sa Comelec.

Unang-una na ang TRANSMISSION NG VOTE COUNTING MACHINES NG MGA RESULTA sa Ragay, Camarines Sur ISANG ARAW PA BAGO ANG ELEKSIYON. Nariyan din ang Pansol outing ng 24 na mga empleyado ng PET at ng isang revisor ni Robredo.

May naging deklarasyon noon mula sa PET kuno at kay Robredo na naimbestigahan na ang outing at may mga naparusahan na diumano. Pero nang humingi si Bongbong ng kopya ng investigation report dahil HINDI IPINAALAM ITO SA KANIYA, WAKANG MAIBIGAY SA KANIYA. HANGGANG NGAYON.

Isa pa, kung saan-saang bayan at siyudad na sa Camarines Sur may nakitang BASA O PUNIT-PUNIT na balota. PRE-SHADED NA BALOTA sa pangalan ni Leni Robredo, mga ballot box na sapilitang binuksan, mga dokumentong halalan na REQUIRED NGUNIT NINAKAW sa mga ballot box at marami pang iba.

Pero sa lahat ng ito, KAHIT ISANG PANGALAN NG INIIMIBESTIGAHAN (kung meron man) o naparusahan na ay WALANG NANGGAGALING mula kay Caguioa. Gayundin, kung anong aksiyon na ang ginawa niya. Kung mayroon man. Itama ako ninuman agad-agad kung may mali sa mga sinabi ko.

Pero para kay Caguioa, parehas siya mula’t sapul sa paghawak ng Bongbong protest. Kayo na ang humusga, mga kababayan.
                                                  ***
Guys, in case you see ads around our blog, please support them with a click. They’re ads by google ad sense and google supports our blog. Thanks, always, and God bless. 30



4 comments:

  1. To sum it up, the 2016 election was manipulated in favor of Leni Robredo and those who were able to pay. The people's choice were not followed. The filipino people was deceived.

    ReplyDelete
  2. Di pa ba obvious na kakampi ni lugaw to.Nakakatakot at nakakabahala ang taong ito.Kelangan dito ay well-oiled infrastructure kundi mababalot tayo ng kadiliman.

    ReplyDelete
  3. Matakot sa Panginoon Diyos huwag sa tao. Gumawa ng mabuti ay sa Panginoon Diyos. Ang gumawa ng masama ay para demonyo.

    ReplyDelete