Wednesday, September 19, 2018

MANDARAYA ANG SISIHIN NINYO, HUWAG SI BONGBONG!


Image result for images for bongbong marcos with leni robredo
In a story in https://news.mb.com.ph/2018/09/19/robredo-camp-says-bongbong-protest-a-waste-of-taxpayers-money/, Leni Robredo’s legal consultant Emil Maranon III said: “Kung walang protesta si Bongbong, puwede pang gamitin ang ballot box sa 2019 elections. Ngayon, buwis ng taumbayan ang maaapektuhan dahil sa protestang ito ni Marcos.”

IYONG MGA MANDARAYA ang sisihin ninyo, Maranon. Huwag si Bongbong. Kung HINDI DINAYA si Bongbong, HINDI SIYA MAGPOPROTESTA.  MALIWANAG PA sa sikat ng araw na dinaya si Bongbong, at may mga ebidensiya na – basang balota, balotang amoy kemikal,  balotang pre-shaded sa pangalan ni Robredo, punit punt na balota mula sa Naga City, mga ballot box na pwershanag binuksan at iba pa.

Mga ebidensiya na sa TERITORYO NI ROBREDO (Camarines Sur, o CamSur) NAKUHA, at HANGGANG NGAYON AY HINDI NINYO PINAIIMBESTIGAHAN man lamang o makondena.

BALIW lamang sa mental hospital ang magbabale-wala sa maliwanag na DAYAANG NANGYARI  sa sinalihan niyang laban. Kung sasabihin naman ninyo ni Robredo na hindi ebidenisya ng dayaan ang mga nakuha na sa mga balota at ballot box mula sa CamSur, SIMULAN NA NINYO AGAD NA MAGPALIWANAG at nang magkaalaman na.

Kung hindi, WALANG MATINONG DAHILAN para huwag magprotesta si Bongbong at hayaan na lamang si Robredo na manatiling bise-presidente. SINO O ANO BA si Robredo sa tingin ninyo? Diyos na hindi puwedeng kontrahin? Reyna ng Pilipinas?

Upang makatulong para hindi na bumili ng bagong ballot boxes ang Comelec, Maranon, sabihan m o si Leni na  hilingin sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na BILISAN NG TODO ang protesta ni  Bongbong. Na simulan na itong dinggin at ang recount gawing araw-gabi na, para mapabilis ang resolusyon.

Kung ayaw ninyo, magkaroon naman kayo kahit kaunting KAHIHIYAN at manahimik na lang, at HUWAG GAMITIN ang sambayanan sa mga drama ninyo. HINDI NINYO KAMI MALOLOKO! Itaga ninyo iyan sa bato!

                                                      ***
Hello, guys. if you will notice, may mga ads na sa blog natin na forumphilippines.blogspot.com Hindi sa akin nagpa-advertise ang mga iyon. Sa google ad sense. Kaya kung ok lang, baka puwedeng pakisuportahan na rin natin ang mga ads by clicking them.. Pati sa mga fb or personal friends ninyo. Kung ok lang. Salamat lagi sa patuloy na tiwala and suporta. God bless, always.30 


No comments:

Post a Comment