Sa mga sasama sa rallies ngayon kontra
martial law, isipin ninyo itong MABUTING MABUTI: GINAGAMIT LANG KAYO ng mga
organizers para sa SARILI NILANG INTERES.
Una: MAHIGIT NANG 30 TAONG TAPOS ang martial
law. Kaya maliban sa pasamain ang image ng Pilipinas, isipin ninyo ito: Bakit
kailangan pang magkilos-protesta laban sa isang bagay na MATAGAL NANG WALA AT
HINDI NA UMIIRAL, NA WALA NAMANG GINAGAWA SA KAHIT KANNO SA INYO?
Pangalawa: PANLOLOKO ang gasgas nang
katiwiran ng mga organizer na kailangan ang mga kilos protesta para hindi makalimot
ang sambayanan. Bakit? HANGGANG NGAYON, may mga kaso pang kinakaharap ang
pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kaugnay ng mga naganap at diumano
ay nangyari noong Martial Law. Tulad ng diumano’y human rights abuses. LAGI
itong binabalita sa national at social media kapag may bagong development. Kaya
PAANO MALILIMUTAN NG SAMBAYANAN?
Isa pa, NAPAKARAMI pang buhay sa mga naging
bahagi o nagsasabing nagdusa sila noong Martial Law. Tulad nina Juan Ponce Enrile, Fidel Ramos at
mga retirado nang pulitiko, sundalo o pulis. Kaya paano makakalimot ang sambayanan?
Pangatlo: Walang maitutulong ang walang
katapusang protesta laban sa martial law para malutas ang alinman sa mga
problema ng bayan. HINDI bababa ang presyo ng mga bilihin at ng gasoline o
diesel, Hindi dadami ang mga trabaho. Hindi dadami ang pabahay, at iba pa.
Kumontra na ang kokontra.
Pangapat: Huwag namang ipahintulot ng Diyos
pero kung sakaling magkagulo at masaktan o mamatay ang sinuman sa inyo, WALA kayong garantiya na
SASAGUTIN ng mga rally organizer ang
pagpapagamot ninyo HANGGANG SA GUMALING kayo
gaano man katagal abutin. O kaya ay ang gastos sa burol at pagpapalibing
ninyo, at sa HABAMBUHAY NA PANGANGAILANGAN ng mga pamillya ninyo kung sakaling
mamatay kayo. Isipin ninyo: ANO ang garantiya ninyi? Mayroon ba?
Gunitain ninyo kung gusto niyo ang Martial
Law. Pero sa tahimik at hindi makakaabalang paraan kaninuman tulad ng rally na
nagdudulot ng trapiko. Kung may magpupumilit na
dapat protesta, hingan ninyo ng detalyadong paliwanag kung bakit.
***
Guys. if you will notice, may mga ads na sa
blog natin na forumphilippines. Hindi sa akin nagpa-advertise ang mga iyon. Sa
google ad sense. Kaya kung ok lang, baka puwedeng pakisuportahan na rin natin
ang mga ads by clicking them.. Pati sa mga fb or personal friends ninyo. Kung
ok lang. Salamat lagi sa patuloy na tiwala and suporta. God bless, always.30
No comments:
Post a Comment