Tuesday, September 25, 2018

PANGGA-GAGO SA SAMBAYANAN ANG 25 % DECISION NG PET


Image result for images for bongbong marcos with robredo

PANGGA-GAGO sa ating sambayanan ang naging desisyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na payagan ang 25 percent ballot shading threshold na hiniling ni Leni Robredo sa halip na ang 50 percent na 2010 pa lam,ang ay umiiral na.

Sa isang interview sa GMA News noong Feb. 8, 2016, derechahang pinaalala ni Comelec spokesman James Jimenez sa mga botante na “make sure na ang pagshade ninyo ng oval, buo...ang mabibilang lang po ay yung may ganiyang marka.”


Mula nang talakayin ni Jimenez ang tamang shading ng balota sa ganap na 8:46 ng interview hanggang sa matapos ito, HINDI BINANGGIT ni Jimenez na nasa 25 percent na sa PCOS machine ang shading threshold ng balota.

Kaya MALIWANAG PA SA SIKAT NG ARAW na mula Feb. 8 hanggang sa Election Day noong May 9, PINAPANIWALA ng Comelec ang taumbayan na FULL O BUO ang dapat na  pagshade sa balota.

Ang spokesman naman ni Robredo na si Barry Gutierrez, sinabi na February 2016 pa lamang ay ibinalita na sa media na 25 percent ang shading threshold na gagamitin ng Comelec(https://www.philstar.com/headlines/2018/07/27/1837296/marcos-camps-conspiracy-claim-laughable-robredo-spokesman-says,). KABALIGTARAN ng sinabi ni Jimenez sa GMA news noong Feb. 8.

At itama ako ninuman kung mali ako: September 2016 na o APAT NA BUWAN NG TAPOS ang eleksiyon nang maglabas ang Comelec ng resolution na 25 percent ang ballotshading threshold.

MAMA MARY, MOST SACRED HEART OF OUR LORD JESUS CHRIST, ILIGTAS PO NINYO KAMI. 
                                                               ***
Guys, in case you see ads around our blog, please support them with a click. They’re ads by google ad sense and google supports our blog. Thanks, always, and God bless. 30




No comments:

Post a Comment