Saturday, September 22, 2018

CREDIBILITY OF SENATE POLL FRAUD PROBE NOW DOUBTFUL!


Image result for images of glenn chong

The CREDIBILITY of the Senate investigation into the cheating in the 2016 elections is NOW DOUBTFUL.

Dawang araw nang nakapost sa Facebook ang pagbubulgar ni Glenn Chong ng SIKRETONG executive session ng investigating committee ng Senado noong Sept. 6. WALANG OPISYAL na paliwanag ang sinuman se Senado hanggang ngayon. At pansinin ninyo, mga kababayan, hindi sa Senado ginanap ang session kundi sa labas, sa Manila Polo Club sa Makati.  

BAKIT KAILANGANG SA LABAS pa ng Senado at HINDI MABALITA, ang executive session? Samantalang ALAM NA ALAM ng Senado na mainit na sinusundan ng taumabayan ang dayaan noong elections.

At ito ang MATINDI AT NAKAKADUDA NG HUSTO: Nandoon ang mga kinatawan ng Comelec at ng Smartmatic sa executive session.  Pero HINDI IMBITADO si Glenn. Kahit na SIYA ANG DERECHAHANG NAGSASABI na may alam ang Comelec at Smartmatic sa naging dayaan noong elections. Kumbaga sa husgado, mga kababayan, iyong mga akusado ang kinausap noong judge, ng PALIHIM PA! Hindi iyong nagakusa.

Kung WALANG GUSTONG ITAGO kay Glenn o sa sambayanan ang session, WALANG M ATINONG DAHILAN para hindi kumbidahin doon si Glenn!

Kaya WALA TAYONG GARANTIYA, mga kababayan, na WALANG NAGING AREGLUHAN O TAKIPAN NG ANOMALYA sa session.   Nandiyan din ang posibilidad na baka may naging anumang kasunduan na MAKAKATULONG SA ANUMANG PARAAN sa Smartmatic at sa Comelec sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa daayaan.

BILYON-BILYON sa pera nating sambayanan ang naubos sa election at pinambayad sa Smartmatic. Sa mga balota  at ballot box mula sa Camarines Sur at Iloilo pa lamang ay MALIWANAG PA SIKAT NG ARAW ang dayaan. Tapos ngayon, ito pa ang aabutin natin, PALIHIM NA KAKAUSAPIN ang lumalabas na MAY ALAM SA DAYAAN SA HALIP NA IYONG NAGBUBULGAR.

Kaya lalo nang todo-todong pagmamanman ang dapat nating gawin, mga kababayan. At HUWAG BASTA MANINIWALA sa anuman o kaninuman base lamang sa maraming press release. BAKA MAGMILAGRO, MAGKABIGLAAN na naman tulkad noong 2016. 
                                                                           ***

Guys. if you will notice, may mga ads na dito sa blog natin. . Baka puwedeng pakisuportahan by clicking them.. Salamat lagi sa patuloy na tiwala. God Bless us all. 30

No comments:

Post a Comment