Saturday, September 8, 2018

SI LENI ANG PANALO SA TRILLANES


Vice President Leni Robredo walks with Senator Antonio Trillanes IV after a meeting on Thursday, September 6, 2018. Robredo came to show her support for Trillanes who is being subjected to a revocation of amnesty by President Rodrigo Duterte. Benjie Castro
Si Leni Robredo ang NANANALO, ANG NAKIKINABANG NG HUSTO, sa  umiinit na usapin kung aarestuhin ba o hindi si Antonio Trillanes.

Dahil sa ARAW-ARAW na press conference o interviews ni Trillanes sa media, at ang WALANG TIGIL NA PAGSAWSAW at press release ng kaniyang mga kakosa, siya o sila ang MAS MALAKI ANG  ESPASYONG TINATAMA sa national media.

Lalo nang WALANG BINABALITA O BINABANGGIT sa national media tungkol sa mga EBIDENISYA AT MALINAW NA PALATANDAAN NG DAYAAN noong 2016 election na NADISKUBRE na sa iba’t-ibang lugar sa probinsiya ni Robredo na Camarines Sur.

At lalo nang WALANG NAGFAFOLLOW-UP sa kung ano na ang aksiyong ginawa o NASAAN NA ang mga naturang ebidensiya at palatandaan, tulad ng: mga binasa/amoy kemikal na mga balota, mga balotang PRE-SHADED na sa pangalan ni Leni, mga basa o punit-punit na balota mula sa Naga City, ang HINDI AWTORISADONG PAGBABAGO na ginawa ng Smartmatic sa transparency server na HANGGANG NGAYON AY AYAW IPAKITA ng Comleec. Marami pa.

Kaya WALANG MALILIBANG, MALULUNOD O MABUBULAG sa walang tigil na press releases tungkol kay Trillanes, mga kababayan. ISANG-DAANG BESES na mas importante pa rin malaman kung NANDAYA BA O HINDI si Leni o ang mga galamay niya.

BILYUN-BILYON sa pera nating Sambayanan ang WINALDAS sa 2016 election. At DAAN-DAANG MILYON, kundi man bilyon na, ang nauuubos sa mga buwis natin sa tuloy-tuloy na suweldo at  benepisyo  ni Leni at sa ginagastos niya sa Office of the Vice-President.

Tayong Sambayanan ang WALANG TIGIL NA LUGI, BUGBOG SARADO sa lahat ng nangyayaring ito. 30

No comments:

Post a Comment