BALLOT BOXES MULA CAMSAUR |
Heto ang isang HINDI MAIKAKAILANG PANDARAYA
noong 2016 election sa teritoryo ni Leni Robredo na Camarines Sur (CamSur) na
ibinulgar nni Glenn Chong noon pang July 31 sa Senado pero HINDI NABALITA SA,
AT HINIDI FINOLLOW-UP NG, NATIONAL MEDIA. Kaya dahil news blackout ang ANUMANG
PAGBUBULGAR NG DAYAAN ni Glenn, magtulung-tulong tayo dito sa social media.
Galing ito sa isa niyang Facebook post:
Sa 368 vote
counting machines (VCM) sa 3rd Congressional District ng Camarines Sur, 4 LANG ang
may kompletong listahan ng ballot images - walang nawawala, nabubura o nadagdag
na ballot images. Pero sa 362 VCMs, lahat ay may nawawala, nabubura o nadagdag
na tampered ballot images. Sa 362 VCMs na ito, 37,152 ang idinagdag na tampered
ballot images. Sa Naga City lamang, baluwarte ni Robredo, 13,936 ang idinagdag
na tampered ballot images. May 2 VCMs na walang kahit anumang rekord.
Hindi
naipaliwanag ng Comelec sa harap ng Senate Committee hearing noong July 31,
2018 ang mga ipinakita kong katunayan na ang mga ballot images na ito ay
tampered na o pinakialaman na ng mga mandaraya. Tumalon ang sequence numbers ng
mga ballot images (nawala at nabura ang mga ballot images na ito) sa bandang
unahan at gitna ng listahan ng magkasunod-sunod na pumasok na balota sa VCM at
idinagdag ang mga ipinalit na tampered ballot images sa bandang hulihan ng
nasabing listahan.
Ang sequence numbers na nakaimprinta sa bawat ballot image ay control marks ng nasabing ballot images. Kapag nagbago ang control marks na ito at hindi na magkasunod-sunod dahil may tumalon, nawala, nabura at nadagdag, ito ay malinaw na palatandaan ng tampering.

Idadagdag ko
lang: HANGGANG NGAYON, WALANG SAGOT NA NABABALITA ang Comelec tungkol dito.
WALA ring nababalita na inutusan na ni Bongbong Marcos protest supervising
Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang Comelec na sagutin ang mga ibinulgar ni
Glenn. At ito ang isipin ninyo, mga
kababayan: MAHIGIT 500,000 BOTO ang inilamang ni Robreod kay Bongbong noong
2016 election sa CamSur.
PROTEKTADO NG
HUSTO ang mga mandaraya.
***
Guys, in case you see ads around our blog, please support them with a click. They’re ads by google ad sense and google supports our blog. Thanks, always, and God bless. 30
***
Guys, in case you see ads around our blog, please support them with a click. They’re ads by google ad sense and google supports our blog. Thanks, always, and God bless. 30
No comments:
Post a Comment