Thursday, September 20, 2018

COME OUT WITH CAMSUR, ILOILO RESULTS!


Image result for images for alfredo benjamin caguioa
Retrieval of Negros Oriental ballots covered by Bongbong Marcos’ protest against Len Robredo have started. So protest supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa should COME OUT AT ONCE with the results, partial or full, of the recount of the votes from Camarines Sur and Iloilo.

Kung WALANG DAYAAN O KAWALANGHIYAAN na gustong itago o proteksiyunan si Caguioa, WALA ring matinong dahilan para PATULOY niyang ITAGO sa sambayanan ang mga nangyari at nangyayari pa sa recount.

Kung talagang PAREHAS SIYA tulad ng pinagmamalaki niya, dapat ay PANGUNAHAN AT IPAGPILITAN na ni Caguioa ang pagalis ng news blackout sa recount. Kundi man niya kayang gawin sa sarili niya ay irekomenda na niya agad sa buong Presidential Electoral Tribunal (PET). Para mapatunayan niyang siya at ang PET ay WALANG ITINATAGO sa sambayanan.

Hindi lang si Bongbong kundi ang milyun-milyong botante ng mga lugar na sakop ng kaniyang protesta ang biktima ng dayaan. Kasama ang BILYON-BILYON na buwis at iba pang bayarin nila sa gobyerno sa WINALDAS NG MGA AT IBINAYAD SA MANDARAYA.

At tulad ng naisulat ko na noon, WALA NAMANG MAGIGING BANTA sa seguridad ng bansa kung regular nang malalaman ng sambayanan ang resulta at nangyayari sa recount.

Hindi naman magkakaroon ng civil war. Hindi naman tanga ang sambayanan para hindi maisip na hindi pa pinal na resulta ng protesta ang anumang sisimulang ilabhas ng mga namamahala ng recount. At lalo namang walang bansang gigiyera sa atin. MANDARAYA LAMANG ANG NAKIKINABANG sa news blackout.

Kung hindi pa rin maglalabas ng resulta si Caguioa, huwag siyang magrereklamo kung iisipin ng taumbayan na pinoprotektahan niya ang dayaan.

                                                        ****
Guys. if you will notice, may mga ads na sa blog natin na forumphilippines.blogspot.com Hindi sa akin nagpa-advertise ang mga iyon. Sa google ad sense. Kaya kung ok lang, baka puwedeng pakisuportahan na rin natin ang mga ads by clicking them.. Pati sa mga fb or personal friends ninyo. Kung ok lang. Salamat lagi sa patuloy na tiwala and suporta. God bless, always.30 








No comments:

Post a Comment