Thursday, September 27, 2018

KAWALANGHIYAAN NG COMELEC AT SMARTMATIC


Galing ang mga ito mula sa Facebook post ni Glenn Chong. Mga KAWALANGHIYAAN ito ng Comelec at Smarmatic na HINDI NABALITA SA NATIONAL MEDIA. Kaya’t tutulong ako sa pagkakalat.

Sa Senate committee hearing kahapon, ipinahayag ni Sen. Richard Gordon ang kanyang pagkadismaya bilang ama o author ng Automated Election System law. Alam ni Sen. Gordon na maraming mahahalagang probisyon sa kanyang batas ang paulit-ulit na nilabag at binalewala ng Comelec at ng Smartmatic Ilan sa mga probisyong nilabag ay ang mga security features ng sistema.

Sa halip na 3 magkahiwalay na digital signatures ng (Board of Election Inspectors) BEI ang kinakailangan upang matiyak ang seguridad ng resulta ng halalan, iisa lang sa 3 kasapi ng BEI ang pumirma ng paulit-ulit.

Sa halip na ang local source code review o pagbusisi sa codes na nakasulat sa software upang matiyak na walang malisyosong instructions na nakapaloob nito ay gawing full coverage o buong sistema at walang ipagbabawal, partial coverage lamang ang pinahintulutang ma-review at marami pang bahagi ang ipinagbabawal na mabusisi o ma-review.

Sa halip na may ID number ang bawat resibo ng botante upang makonek ito sa mga pisikal na mga balota kung sakaling magkaroon ng protesta o audit, tinanggal ang ID number upang mawalan ng bisa bilang ebidensiya ang mga resibo ng botante.

Ang intensyonal na pagtanggal o pagbalewala sa mga mahahalang security features na ito ng mga voting machines at canvassing systems ay walang ibang layunin kundi buksan ang buong sistema sa malawakang dayaan sa ilalim ng pamamahala ng sindikatong ito. Dahil sa mga paglabag sa batas at pagbalewala sa mga security features ng election system, nakapasok ang 459 pekeng resulta mula sa mga pekeng makina isang araw bago ang halalan noong 2016. Hindi ito masagot ng Comelec at ng Smartmatic.  Tahimik din ang kampo ni Leni Robredo.

At ito ay dagdag na discovery namin – may 6 na pekeng canvassing systems din ang ginamit noong nakaraang halalan. Hindi pa alam ng sindikato na nadiskubre namin ito. Ito ba ang maipagmamalaking victory at kredibilidad ni Leni Robredo bilang nanalo?

Nauna ng sinabi ni Sen. Gordon sa Senate hearing noong September 13, 2018 na dapat binitay na ang Comelec noong 2016.

Welcome sumagot ang  kahit na sino.
                                                             ***
Guys, in case you see ads around our blog, please support them with a click. They’re ads by google ad sense and google supports our blog. Thanks, always, and God bless. 30




1 comment:

  1. SANA NAMAN AY TANGGALIN NA ANG SMARTMATIC AT PALITAN ANG MGA OFFICIAL NG COMELEC !

    ReplyDelete