Sunday, September 16, 2018

ANTI-DIGONG, WALANG AKSIYON SA ‘OMPONG’ VICTIMS!


Image result for images for leni robredo with risa hontiveros
Pansinin ninyo, mga kababayan: WALANG ANUMANG NABABALITANG UMAKSIYON na ang mga kritiko ni Pangulong Digong Duterte para matulungang ang mga biktima ni bagyong ‘Ompong.’

May dalawa nang nagbigay ng statement.  Pero STATEMENT LANG. WALANG AKSIYON!

Ayon kay Antonio Trillanes, nakikisimpatiya siya sa mga biktima ni ‘Ompong.’  Sinabi naman ni Leni Robredo na may nakahanda nang relief goods ang opisina ng Bise-Presidente bago pa man KUNO tumama ang bagyo. At nakikipag-coordinate na ang mga tao niya KUNO sa mga loikal na opisyal ng mga sinalanta ni ‘Ompong.’

Maliban sa kanilang SALITA LAMANG, WALA pang nababalitang nagoadala na ng tulong sina Trillanes at Robredo sa mga biktima. Gayong maymga bukas naman nang daan o kaya ay maaari silang magpatulong sa military para makagamit ng mga helicopter o iba pang sasakyan kung kinakailangan.

Sa iba namang kritiko ni Digong –tulad nina Risa Hontiveros, Bam Aquino, Francis Pangilinan at Edcel Lagman – kahit sa SALITA MAN LAMANG ng simpatiya o anuman para sa mga biktima, ay WALA PANG NABABALITANG nangggaling na sa kanila. Lalong walang anumang relief o ayuda.  Pero kapag atake kay Digong o sinuman sa gobyerno niya ay AGAD-AGAD na may press release ang mga ito.

Bahala na kayo, mga kababayan, k,ung ano ang itatawag ninyo sa ganitong sitwasyon. Ang sa akin lamang, ILIGTAS AT KAAWAAN NAWA TAYO NG DIYOS sa hinaharap. 30

No comments:

Post a Comment