Thursday, March 15, 2018

MGA DAPAT SAGUTIN NG SMARTMATIC, COMELEC!


Image result for images of smartmatic
SMARTMATIC'S ANTONIO MUGICA
Para lalong mas malinawan ng karamihan, heto ang ilang tanong na dapat SAGUTIN AGAD ng Smartmatic at Comelec tungkol sa patuloy na expose ni Sen. Tito Sotto tungkol sa naging dayaan noong 2016 elections. Kung WALA SILANG GUSTONG ITAGO, WALA RING DAHILAN para hindi nila masagot agad ang mga ito?

Bakit kinailangan ang pangalawang server noong madaling araw ng May 10, 20126, o ilang pras matapos ang botohan? At bakit may 4 na IP addresses agad iyon. Yung server na pinalitan ay walang IP addresses nang gamitin.

Kani-kanino ang apat na IP addresses iyon? Sino ang gumawa ng mga IP addresses at SINO ANG NAGBIGAY NG PERMISO o APPROVAL para palitan ang NAUNANG SERVER NA GINAMITT? Alam ba ng Comelec ang pagpapalit sa naunang server? Kung OO ay ano ang dahilan at pinayagan nila? Kung hindi naman alam ng Comelec ay bakit inilihim ng Smartmatic?

NASAAN ang dalawang servers at ang mga RESULTA NG BOTOHAN mula sa buong bansa na dumaan sa mga ito? Kailangang ilabas agad ang mga ito ng Comelec o Smartmatic para maeksamin agad ng mga computer expert mula sa pribadong sektor kung binago o dinaya na ang mga resulta, lalo pa yung dumaan sa pangalawang server. Saan-saan napunta yung mga resulta na dumaan sa pangalwang server? SINO O SINO-SINO ang nagpatakbo/nagbantay sa pangalawang server?

KINUWESTIYON MAN LANG BA ng Comelec ang Smartmatic tungkol sa pangalawang server at sa 4 na IP addresses? Kung OO ay kailan at ano ang kanilang findings? Kung HINDI AY BAKIT?  Matapos ang unang expose ni Sotto ay nangako ang Comelec na magiimbestiga sila. Pero HANGANG NGAYON, WALANG NABABALITANG AKSIYON na ginawa na nila. Bakit?

Blocked pa rin ako from posting sa mga grupong hindi ako admin o moderator. Kaya pak-share na lang ito, please. Kailngang maliwanagan ng majority ang KATARANTADUHANG ito. 30

No comments:

Post a Comment