Thursday, March 22, 2018

KILABUTAN KA NAMAN, SERENO



In a story in http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/647565/sereno-no-one-safe-if-impeachment-or-quit-calls-succeed/story, Chief Justice Maria Lourdes Sereno warned that Filipinos will have to look for political patrons to save themselves from harassment and threats if she is ousted.


MAHIYA KA NAMAN SA BALAT MO, Sereno. Pati ang sambayanan, GUSTO MONG IDAMAY at gamitin sa problema mo. KILABUTAN KA NAMAN kahit konti.

HINDI IKAW ang katarungan. Hindi rin ikaw ang simbolo ng katarungan. HINDI MABABALE-WALA ang batas, at PATULOY NA IIRAL ang katarunagn kahit na matanggal ka sa puwesto. HINDI MO KASAMANG INIREKLAMO ng impeachment ang buong sambayanang Pilipino. IKAW LAMANG ang hindi nakapagsubmit ng kumpletong statement of assets, liabilities at net worth (SALN). At HINDI KAMING LAHAT. (Kaya HUWAG MO KAMING ISALI sa anumang dinaranas mo ngayon o ang magiging resulta nito. Masyado ka namang SINUSUWERTE.

And in a SHAMELESS, and DELUSIONAL bid to SCARE the people and hopefully gain public sympathy, Sereno also said:  "The stakes for the rule of law if the evil machinators of the impeachment or the resignation scheme succeed: no one, not one man, especially not one woman, will be safe in this country."

HINDI IKAW ANG SAMBAYANANG PILIPINO, Sereno, o ang SIMBOLO NITO para SABIHIN O ISIPIN MO na lahat ng Pilipino ay hindi na magiging ligtas kung masisibak ka. HINDI LANG IKAW ang justice ng Korte Suprema. Matanggal ka man, mahigit 10 pang justices ang MATITIRA para paialin ang batas at IPAGTANGGOL O TULUNGAN ang mga inapi, o inaapi. HINDI MASASARA o titigil ang trabaho sa Korte Suprema kapag nawala ka. ALAM MO IYAN. At Chief Justice kang naturingan, hindi mo naisip na hangga’t walang ginagawang mali o labag sa batas ang sinuman, WALANG DAHILAN PARA HINDI SIYA MAGING LIGTAS.

Ganito pala ang takbo ng utak ni Sereno, mga kababayan. Ewan ko sainyo, mga kababayan pero ako, KINIKILABUTAN. 30 

No comments:

Post a Comment