SMARTMATIC'S MARLON GARCIA |
I checked the news websites before I wrote
this piece. Up to now, WALANG SAGOT O PALIWANAG ang Comelec at ang Smartmatic
sa patuloy na expose ni Sen. Tito Sotto sa mga naging KATIWALIAN noong 2016
elections.
I consulted a
personal friend who has been an acknowledged computer expert all his life.
Ang sabi niya,
WALANG DAHILAN PARA HINDI AGAD-AGAD MAIPALIWANAG ng Comelec at Smartmatic ang
pangalawang expose ni Sotto. Hindi kailangan ng ilang araw man lamang bago
maipaliwanag ang naging proseso sa pangalawang server. Inemphasize ng frined ko
na “Tulad ng anumang gawain, kung ikaw ang gumawa maipapaliwanag mo rin dapat on the spot ang anuman,
KUNG WALA KANG
GUSTONG ITAGO.
Keep in mind, people, Comelec STILL HAS NOT SHOWN THE UNAUTHORIZED
ALTERATION by Smartmatic on the script of the transparency server on the night
of the elections.
Sa mga hindi nakabasa ng sinundang blog nito, heto ang ilang
paliwanag mula kay election/it expert at lawyer nasi Glenn Chong: Dalawang
Domain Name System (DNS) servers ang ginamit ng Smartmatic noong halalan. Unang
ginamit ang SRVCNTADNS01 (A DNS for short) mula May 9 hanggang May 10.
Isiningit naman ng Smartmatic ang SRVCNTBDNS01 (B DNS for short) mula May 10
hanggang May 11. Ang DNS server ang nagbibigay ng direksyon sa mga vote
counting machines kung saang consolidation and canvassing system (CCS) nila
ipapadala ang kani-kanilang mga resulta ng halalan.
Ang A DNS ay ginamit sa simula’t-simula ng transmission ng mga
resulta, 5:01 ng hapon ng May 9 hanggang 2:59 ng madaling-araw ng May 10. Ang B
DNS ay nagsimulang gamitin 2:59 ng madaling-araw ng May 10 hanggang 6:46 ng
gabi ng May 11. Noong ginagamit ang A DNS server, libo-libong
IP addresses (ng mga vote counting machines) kung saan nanggaling ang mga
queries ang naitala sa log file ng A DNS. Direktang umabot ang queries ng mga
makina sa A DNS. Pero nang pumalit ang B DNS, 4 na IP addresses na lamang ang
naitala sa log file nito. Ibig sabihin, sa halip na dumirekta ang mga vote
counting machines na magtanong sa B DNS kung saang CCS ipapadala ang kanilang
resulta, dumaan muna ito sa harang o checkpoint na kung tawagin ay queuing
servers. May 4 queuing servers na naka-antabay.
Ayon sa
transmitted results mula sa Transparency Server, tuluyang naubos ang halos 1
milyong boto na lamang ni BBM nang pumasok ang resulta mula sa Clustered
Precinct 68110023 (Surigao del Norte) 3:08 ng madaling-araw ng May 10 o
makalipas ang 9 na minuto lamang matapos pinalitan ang A DNS server. At mula nang
pumalit ang B DNS server, umarangkada na ng tuluyan ang lamang ni Robredo
simula 3:08 ng madaling-araw ng May 10 hanggang matapos ang transmissions 6:46
ng gabi ng May 11. 30
.
No comments:
Post a Comment