Wednesday, March 14, 2018

CLEARER PICTURE OF SOTTO EXPOSE!


Image result for images of glenn chong

Here are excerpts from a detailed explanation by lawyer and election/IT expert Glenn Chong on the second expose by Sen. Tito Sotto on fraud in the 2016 elections:

Dalawang Domain Name System (DNS) servers ang ginamit ng Smartmatic noong halalan. Unang ginamit ang SRVCNTADNS01 (A DNS for short) mula May 9 hanggang May 10. Isiningit naman ng Smartmatic ang SRVCNTBDNS01 (B DNS for short) mula May 10 hanggang May 11. Ang DNS server ang nagbibigay ng direksyon sa mga vote counting machines kung saang consolidation and canvassing system (CCS) nila ipapadala ang kani-kanilang mga resulta ng halalan.

Ang A DNS ay ginamit sa simula’t-simula ng transmission ng mga resulta, 5:01 ng hapon ng May 9 hanggang 2:59 ng madaling-araw ng May 10. Ang B DNS ay nagsimulang gamitin 2:59 ng madaling-araw ng May 10 hanggang 6:46 ng gabi ng May 11.

Ayon sa transmitted results mula sa Transparency Server, tuluyang naubos ang halos 1 milyong boto na lamang ni BBM nang pumasok ang resulta mula sa Clustered Precinct 68110023 (Surigao del Norte) 3:08 ng madaling-araw ng May 10 o makalipas ang 9 na minuto lamang matapos pinalitan ang A DNS server. At mula nang pumalit ang B DNS server, umarangkada na ng tuluyan ang lamang ni Robredo simula 3:08 ng madaling-araw ng May 10 hanggang matapos ang transmissions 6:46 ng gabi ng May 11.

Noong ginagamit ang A DNS server, libo-libong IP addresses (ng mga vote counting machines) kung saan nanggaling ang mga queries ang naitala sa log file ng A DNS. Direktang umabot ang queries ng mga makina sa A DNS. Pero nang pumalit ang B DNS, 4 na IP addresses na lamang ang naitala sa log file nito. Ibig sabihin, sa halip na dumirekta ang mga vote counting machines na magtanong sa B DNS kung saang CCS ipapadala ang kanilang resulta, dumaan muna ito sa harang o checkpoint na kung tawagin ay queuing servers. May 4 queuing servers na naka-antabay.

Ang 4 queuing servers na ang nagtatanong sa B DNS kung saang CCS ipapadala ang resulta ng makina. Ang 4 queuing servers din ang nagsasabi sa makina kung saan ipapadala ang resulta sa halip na ang B DNS ang direktang magsasabi nito. Kaya sa log file ng B DNS, 4 na IP addresses lang ang naitala dahil ito ang IP addresses ng 4 na queuing servers. Habang ginagamit ang regular na A DNS, lumamang si BBM. Pero nang ginamit na ang ma-anomalyang B DNS with queuing servers, si Robredo na ang lumamang.Coincidence? I very much doubt it!

Let me just add: I checked the news websites before doing this blog, and both Smartmatic had NO COMMENT to Sotto’s expose. 30


No comments:

Post a Comment