Monday, March 5, 2018

GINAGAGO, INIINSULTO TAYO NG TRIBONG SERENO!



06 March 2018

GINAGAGO NA, INIINSULTO PA TAYO ng tribo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa  umiinit na posibilidad na matanggal siya sa puwesto, sa pamamagitan man ng impeachment o quo warranto petition.

May kumakalat ngayon sa social media na photo ni Sereno na may message na “Ang laban ninyo ay laban ko!”  GINAGAGO na tayo dahil gusto pa tayong GAMITING LAHAT SA KANIYANG SARILING INTERES, INIINSULTO pa ang utak at damdamin natin na kaya tayong LOKOHIN sa konting drama lang.  At para MALIWANAGAN NG LAHAT:

Una: Si Sereno LAMANG ANG APEKTADO, AT MAAAPEKTUHAN, ng mga kinakaharap niyang problema at ang magiging resulta ng mga ito. HINDI ANG BUONG SAMBAYANANG PILIPINO. Kaya KASINUNGALINGANG SAGAD ang sabihing ang laban niya ay laban nating lahat.

Pangalawa:  Si Sereno LAMANG ANG AKUSADO, ANG INIREKLAMO sa mga kinakaharap niyang Usapin, HINDI TAYONG LAHAT na sambayanan Kaya’t paaano magiging laban rin natin ang laban niya? Pangatlo: TAYO na nga ang NALOKO ni Sereno, nang magIng Chief Justice siya kahit HINDI SIYA NAGSUBMIT ng kumpletong requirements, tapos gusto pang magmukang bida, tagapagligtas ng lahat, lalo na ng mga inapi at biktima ng injustice?  Pinagmumukha tayong mga bobong WALANG DIGNIDAD NA HINDI MARUNONG MAGISIP ng tribong Sereno.

Kaya TANDAAN NINYONG MABUTI, mga kababayan: Kung sakaling matanggal si Sereno, MARAMING PUWEDENG PUMALIT sa kaniya bilang Chief Justice. Na MAS MAY KARANASAN at qualifications pa kesa kaniya. HINDI SIYA KAWALAN SA HUSTISYA, SA BUHAY NATING LAHAT! 30


1 comment:

  1. Sana huwag maliitin and aking opinion. Marami nang ipinakitang hindi kanais nais ang punong mahestradong Sereno. Pero ang sabihin niyang ang laban ng bayan ay kanya ring laban ay isang kabulastugan. Isa si Sereno sa mga kurap ng gobierno impisa pa ng umupos siya dahil lahat ng ginawa ng kanyang mga kaalyado, lalo na si NoynoyAquino at si Leni Robredo ay pinapalampas ang kanilang kasalanan. Naidinig ko rin na sinabi niyang ang mga Marcos ay maramiing ninakaw na pera ng bayan na sa katunayan at alam din niya na walang katotohanan. Inaayunan niya ang mga LP katulad ni NOyn0y Aquinol Sinungaling siya sa SALN niya.

    ReplyDelete