Wednesday, March 7, 2018

BINALE-WALA PALA NG COMELEC SI BONGBONG!



07 March 2018

A story in gmanews.tv says the Commission on Elections (Comelec) will conduct its own probe of alleged irregularities in the May 2016 elections following an expose by Sen. Tito Sotto.  This is the link: (http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/645785/after-sotto-speech-comelec-to-look-into-irregularities-in-2016-polls/story/?top_picks&order=4

NGAYON LANG MAG-IIMBESTIGA ang Comelec. Mahigit DALAWANG TAON matapos ang halalan. Puwes, BINALE-WALA pala nila talaga ang LAHAT NG MAG SENYALES NG DAYAAN na inireklamo ni Bongbong Marcos ilang araw pa lang matapos ang eleksiyon.

Unang-una na rito ang HINDI AWTORISADONG PAGBABAGO NA GINAWA NG SMARTMATIC sa script ng transparency server noong gabi ng eleksiyon. At ang HINDI PAGKAKAROON kahit isa ng boto ni Bongbong sa ilang lugar sa Mindanao kung saan may mga chapter ang Iglesia ni Cristo (INC).  Kahit na  OPISYAL na dineklara ng INC na si Bongbong ang KANDIDATO NILA sa pagka bise-presidente at HINDI si Leni Robredo. Nang unang imbestigahan ang Smartmatic sa Manila Prosecutor’s Office matapos magsampa ng kaso ang kam po ni Bongbong, UMAMIN ang Smartmatic na gumamit sila ng iba pang server na HINDI NILA IPINAALAM sa Comelec. MARAMI PA.

And don’t forget, people, the more than 30 SD cards which the Comelec had first declared as UNUSED during the polls were later found loaded with data. To this day, Comelec HAS NOT REVEALED the contents to the public.

WALANG ANUMANG NABALITANG AKSIYON ang Comelec upang malaman ang katotohanan sa mga ito. Lalong WALA ring nabalitang anumang imbestigasyon ang sinuman sa Comelec.  Itama ako ninuman kung mali ako.

Kaya ang tanong: BAKIT BINALE-WALA ng Comelec si Bongbong Marcos? May NAGUTOS BA? May legal na basehan? Kung mayroon, BAKIT HINDI pinabatid sa publiko? Kasama ang taxes ni Bongbong, at ng milyun-milyong bumoto sa kaniya,  sa SINSUWELDO AT GINAGASTOS ng Comelec. At kung hindi pala nagsalita si Sen. Sotto, psensyahan at magkalimutan na lang sa mga senyales ng DAYAAN noong halalan ang mangyayari, ha Comelec. 30




3 comments:

  1. Iisa ang nais ipahiwatig ng COMELEC syndicate, ang sundin ang kagustohan ng dilaw at magkamit ng yamang galing din naman sa buwis ng mamamayan. Kasukdulang bastosin nila ang mga Filipino sa karapatan nilang bumoto. Halatang-halata ang kanilang pagbaliwala sa mga hinaing ng pandaraya. Iro ay sa dahilang sula mismo ang gumawa nito, sa kumpas ng kanilang among si Noynoy.

    ReplyDelete
  2. Well buking na ang lahat tiyak magrereact si Boy Sisi at sabihing si VCM ang may sala hahaha

    ReplyDelete