Tuesday, March 20, 2018

DESPERADONG PANINIRA KAY DIGONG GAMIT ANG ICC!


Image result for images for duterte

All-out na ang PANLOLOKONG DESPERADO/PILIT na itinatanim ng mga kalaban ni Pangulong Digong Duterte sa isip ng Sambayanan gamit ang pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).  Kaya magka-liwanagan ng tayo ng husto BAGO MAY MA-BRAINWASH ang mga ito:

Una: Takot daw si Digong sa ICC kaya inilabas ang Pilipinas mula rito.   WALANG UTOS si Digong na BANNED ang mga taga-ICC sa ating bansa. HINDI NAKIKIUSAP/NAGMAMAKAAWA ang Pangulo sa ICC na huwag siyang kasuhan. WALA ring offer si Digong sa ICC na KAHIT NA ANO sa ICC  kapalit ng pagbasura ng reklamo laban sa kaniya. HINDI pinipigilan sa anupamang paraan ni Digong ang ICC na gawin nito ang anumang nais nila sa reklamo laban sa kaniya.

Kaya KABOBOHANG PANLOLOKO ang ipagpilitan ninuman na takot ang Pangulo sa ICC.  At kung may hihirit pang hindi panloloko ang nangyayari, magpaliwanag din kung bakit WALANG NAGBABANGGIT na sa halip na si Digong ang makiusap sa ICC dahil sa takot nito KUNO, ang ICC ang halos magmakaawa na sa Pangulo para huwag ialis sa kanila ang Pilipinas.

Pangalawa: Mapapadali daw ang desisyon ng ICC sa rekalmo laban kay Digong dahil sa pagtanggal nito sa Pilipinas mula sa naturang korte. Hindi ako abugado pero MANGANGAHAS AKONG SABIHIN NA WALANG BATAS na nagsasabing ang paglabas sa ICC ay ebidensiya na guilty si Digong kaya’t mapapadali ang pagresolba sa reklamo laban sa kaniya. Kung mayroon ay ilabas ng kahit na sino at agad akong magso-sorry. Kasama sa kapiraso kong allam sa batas ay hindi puwede ang guilt by implication, o hindi porke mukhang ganoon ay iyon na ang totoo. At hindi naman siguro ganoong kakitid o one-sided ang ICC.

Higit sa lahat, EXAMINATION pa lang ang ginagawa ng ICC, HINDI PA IMBESTIGASYON. ICC mismo ang nagsabi noon pa na examination muna. Kapag may nakita silang sapat na basehan, saka isusunod ang imbestigasyon.

Tandaan ninyo, mga kababayan, hindi porke paulit-ulit sa media ay totoo na. HUWAG MAGPALOKO. MAGISIP, LAGI! 30

No comments:

Post a Comment