Sunday, March 18, 2018

ICC ANG TAKOT KAY DIGONG!



 SUPALPAL to the max na naman ang mga anti-Dutertes.

Kahapon pa nasa balita na ang International Criminal Court (ICC) pa ang humihingi ngayon ng dialogue kay Pangulong Digong Duterte matapos PORMAL NA IPAALAM ng gobeyrno sa United nations ang pagkalas ng Pilipinas mula rito.  

Ilang araw nang pinagpipilitan ng mga anti-Duterte na natakot si Digong sa ICC. Pero iyong NATAKOT KUNO ang siya pang SINUSUYO ngayon ng dapat KATAKUTAN. Kung hindi PINAKA-BOBO sa lahat ng BOBO ay numero unong MANLOLOKO lamang ang magsasabi na ang Panguylo pa rin ang natakot sa ganitong  sitwasyon. Kumontra na ang kokontra.

Pero ito ang SAGAD SA BUTONG KAHIHIYAN sa mga walang tigil na NANINIRA sa Pangulo: Malinaw pa sa sikat ng araw na HALOS WALA, KUNDI MAN GANAP NA WALA SILAN G KREDIBILIDAD sa mata ng ICC.

Kung napaniwala nila ang ICC sa kaliwa’t-kanang tira sa Pangulo, HINDI NLA ITO SUSUYUIN na magusap-usap muna. Dapat ay mabilis pa sa kidlat na agad na hahayaan nila itong ialis ang Pilipinas sa ICC at todo-todong kikilos na sila laban kay Digong. Tanggapin man o hindi ng m ga anti-Duterte, MAS KAPANI-PANIWALA si Digong sa mata ng ICC KESA SA KANILA.

Kumontra na ang kokontra.  Excited na ako ngayon pa lang kung ano  ang SUSUNOD NA KAHIHIYANG DARANASIN ng mga naninira, ng WALANG ANUMANG EBIDENSIYA, KAY Digong.30

No comments:

Post a Comment