Saturday, March 2, 2019

PATUNAYAN MONG HINDI KA MAGNANAKAW, LENI!


Image result for images for leni robredo
Ayaw din lamang tumigil ni Leni Robredo ng kababanggit sa diumano’y nakaw na yaman ng mga Marcos, sabayan  natin, mga kababayan.

Ngayon mo patunayan Robredo na HINDI KA MAGNANAKAW, ng mga boto noong 2016 election.

Personal kang manawagan kay Bongbong Marcos protest supvervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa na ILABAS NA ANG RESULTA NG RECOUNT, at ang LAHAT as in LAHAT ng mga KAWALANGHIYAANG NADISKUBRE PA pero hindi na lumabas sa media. Kaugnay nito, personal mong hilingin kay Caguioa na ALISIN NA ANG NEWS BLACKOUT sa recount.

Simulan mo nang SAGUTIN AT DETALYADONG IPALIWANAG ang lahat ng PISIKAL NA EBIDENSIYA NG DAYAAN na direktang naguugnay sa iyo. Tulad ng mga squares na nakita sa tabi ng pangalan mo sa mga balota, at ang pagsama ng isang tauhan mo sa outing ng mahigit 20 tauhan ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa isang resort sa Laguna.

Hilingin mo rin sa PET na AGAD NA IMBESTIGAHAN, AT KASUHAN, ang lahat ng tauhan ng Comelec na naka-assign sa mga lugar sa teritoryo mong Camarines Sur na pinagmulan ng mga pisikal na ebidensiya ng dayaan.

Umapila ka sa PET, at sa anumang ahensiya ng gobyernong nararapat, na AGAD NA GAWIN ang lahat para mapabalik dito ang mga taga-Smartmatic na TUMAKAS NA palabas ng bansa.  

KAHIT ISA sa mga ito, Robredo, WALA KANG GINAWA mula’t sapul. Mahaba pa ang listahan. Samantalang  ang mga ito ang makapagpapatunay na ikaw o sinuman ay hindi nagnakaw ng boto noong 2016 elections para manalo.

For the record: I’m not saying that the Marcoses are innocent, or guilty. What I know is to date, they have NOT BEEN CONVICTED IN ANY CRIMINAL CASE.  So PUT UP, Robredo, or SHUT UP!
                                                       ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30



No comments:

Post a Comment