In a story in https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/689532/lacson-says-mar-roxas-innocent-of-alleged-yolanda-fund-misuse/story/?just_in, Sen. Ping Lacson
said of Mar Roxas: “Wala naman talaga
siyang kinalaman sa pondo ng Yolanda. Yung DILG (Department of the Interior and
Local Government), nag-provide ng cash assistance sa mga local government
units, and dumaan lang naman sa kanya 'yun.”
Lacson had better have PHYSICAL PROOF of his allegation. His
mere words ARE NOT, AND WILL NEVER BE ENOUGH, even if he was the presidential
adviser on reconstruction and rehabilitation in the aftermath of Yolanda.
Kung walang pisikal na pruweba si Lacson, lalong WALA TAYONG
PANAHON AT HINDI NATIN KAILANGAN ang hearsay o TSISMIS NIYA.
Tiyak na HINDI sila
magkasama ni Mar 24 oras isang araw sa panahon ng kaniyang pagiging
presidential adviser. Kaya’t HINDI NIYA MASASABI na may 100 porsiyentong
kasiguraduhan na alam at nakita niya LAHAT, AS IN LAHAT, ang mga pinaggagawa ni
Mar sa pondo ng ‘Yolanda’ at ang naging usapan nito at ng mga local government
units (LGU).
Hindi sinabi ni Lacson
kung magkano ang pondong dumaan lang kuno kay Mar at kung magkano ang ibnigay
nito sa bawat LGU. WALA ring binanggit o pinakita na katibayan si Lacson na natanggap ng mga LGU
ang eksaktong pondo na hiningi nila kay Mar.
Panghuli, mismong si
Mar ay WALANG MAIHARAP NA TESTIGO O PAPELES hanggang ngayon na magpapatunay na wala siyang kinalaman sa
anumang kawalanghiyaang naganap sa pondo para sa ‘Yolanda.’
Kaya’t KATANGAHAN para
agad na paniwalaan ninuman ang ginawang pagabsuwelto ni Ping kay Mar na tanging
salita lamang ang basehan. Kumontra na ang kokontra.
***
Makakatulong po ng malaki para
araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga
advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi
sa tiwala. God Bless us all. 30
No comments:
Post a Comment