The actual rally photo and the ABS-CBN reporter who claimed a huge crowd for Ocho Derecho |
Di hamak na mas KILALA si Leni kesa Ocho Derecho. Siya ang bise-presidente KUNO ng Pilipinas. Popular siya KUNO, at ibinoto KUNO ng mahigit 14 milyon noong 2016 elections. Halos araw-araw, may press release siya kahit na noong isang taon pa at hindi pa kampanya.
Pero tulad ng ipinapakiita ng sari-saring
video na NAGKALAT na ngayon sa social media, ‘Duterte, Duterte’ ang sigaw ng
MAS NAKARARAMI sa mga nasa lugar ng rally kahit nandoon na sina Leni at ang
Ocho Derecho.
Kitang kita sa mga video na marami talagang
Pilipino na nakatambay sa paligid ng rally. Pero IILAN lang ang malapit sa stage.
May nabasa akong comment na mga 100 mahigit lang o wala pa. Iyong higit na nakararami ay malayo sa stage.
Kung hindi sumisigaw ng ‘Duterte’ ay nanonood lamang habang nagtatawanan at
nagkukuwentuhan.
Inuulit ko, NANDOON PA SI LENI nang lagay na
iyon.
Kaya tulad na tinanong ko na sa isang nauna
kong blog, NASAAN ang mahigit 14 milyon KUNO na bumoto kay Leni? O iyong mga
sinurvey KUNO na nagbigay ng mataas na rating sa kaniya?
Ngayon pa lamang, KITANG-KITA NA ANG
EBIDENSIYA. Kumontra na ang kokontra. 30
No comments:
Post a Comment