Friday, March 15, 2019

GINAGAGO NA TAYO NG MWSS!


Image result for images for eastern metro manila water shortage
Mga kababayan, lalo na iyong mga nagdurusa sa krisis sa tubig, GINAGAGO NA TAYO ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

In a story in https://news.abs-cbn.com/news/03/15/19/manila-waters-mistakes-led-to-water-crisis-mwss, MWSS chief regulator Patrick Ty said Friday Manila Water committed "two mistakes" that resulted to the water crisis. He said these are Manila Water’s failure to build a treatment facility on time and its wrong simulation on how to address its supply shortage.

Pero sa naunang press release ni Ty GOBYERNO LAMANG ANG BINANATAN, ANG SINISI, niya. Wala nang iba. Ni HINDI NIYA BINANGGIT ang Manila Water. "It's the fault of the government because it is the responsibility of the government to source all this water.”

SINISI LAMANG ni Ty ang Manila Water ilang oras matapos MAGUTOS si Pangulong Digong Duterte sa MWSS na utusan ang naturang kumpanya na maglabas ng karagdagang tubig mula sa Angat Dam na tatagal ng 150 araw.

Maliwanag pa sa kristal, mga kababayan: KUNG HINDI NAGUTOS si Presidente Digong, GOBYERNO LAMANG ang sisisihin ni Ty. HINDI ang Manila Water. Sa gobyerno lamang, kay Pangulong Digong lamang, magagalit ang sambayanan. Hindi sa Manila Water.

Wala nang ibang puwedeng itawag ditto kundi GARAPALAN, SAGARANG SABOTAHE sa gobyerno to the max. Gusto na tayong GAWING GAGO ng MWSS, mga kababayan, gusto pa tayong GAMITIN sa anumang balak nila.

Samantalang patuloy ang PAGDURUSA ng milyun-milyon nating mga kababayan. Kumontra na ang kokontra.
                                                         ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30







No comments:

Post a Comment