Friday, March 1, 2019

MAS NAKAKAHIYA SI LENI KESA SA 8 DERECHO!


Image result for images for leni robredo
Sa ipinapakitang DESPERASYON ngayon ng Ocho Derecho para lumakas kahit kapiraso ang kanilang kampanya, si Leni Robredo ang MAS NAKAKAHIYA kesa sa kanila. Bakit?

AGRESIBONG NANGANGAMPANYA si Robredo para sa Ocho. At ayon sa kaniya at sa Comelec, mahigit 14 milyon ang bumoto sa kaniya nong 2016 election. Pero heto at malapit nang MAGHINGALO ang Ocho.

Kaya NASAAN ANG 14 MILYON MONG BOTANTE, Robredo?  Kung talagang mahigit 14 milyon ang bumoto sa iyo noong 2016 dahil mahal ka mo ng sambayanan, bakit halos MAGMAKAAWA na ngayon pa lamang ang Ocho mapansin lamang (house-to-house campaign, PINAGPIPILITANG DEBATE laban  sa Hugpong ng Pagbabago candidates, at iba pa)?

Idagdag pa natin ang isang tweet ni Kiko Pangilinan ng donasyon para sa Ocho.

Mahigit 14 milyon KUNO ang botante mo, Robredo, pero sa Plaza Miranda noong EDSA 1 Day, NI WALANG LUMALAPIT/NAGPAPA-SELFIE sa Ocho. Ni isang photo na pinagkakaguluhan sila WALANG LUMABAS, social o national media man.

Kumpara sa mga photos ng ibang malalakas na kandidato tulad nina Glenn Chong at Imee Marcos, IILAN AT BIHIRANG BIHIRA ang mga photos na nagpapakita ng mainit na  pagtanggap sa  Ocho at sa iyo sa kampanya.

Kaya uulitin ko, NASAAN ANG 14 MILYON MONG BOTANTE, Robredo? Sa nangyayari, hindi lang ang Ocho ang INAAYAWAN, ANG BINABASURA, NG SAMBAYANAN. PATI IKAW!
                                                           ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30

No comments:

Post a Comment