Wednesday, March 27, 2019

KAY ROBREDO KA NA SUMUWELDO, CAGUIOA…


Image result for images for alfredo benjamin caguioa with leni robredo
Wala din lang reaksiyon o komento si Bongbong Marcos protest supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa sa ika-1,000 ARAW ng naturang kaso, dapat ay KAY LENI ROBREDO na siya SUMUWELDO. At kumolekta ng anumang mga allowances o benepisyo niya.

Iyon ay kung MAY KAHIHIYAN pa siya.

Si Robredo LANG NAMAN ANG NAKIKINABANG sa patuloy na WALANG KATAPUSANG PROTESTA ni Bongbong.  Pati na sa PATULOY NA KAWALAN NG AKSIYON sa mga pisikal na ebidensiya ng dayaan na nadiskubre na. Aksiyon na PUWEDENG IUTOS O IREKOMENDA ni Caguioa bilang protest supervising justice.

Kaya BAKIT TAYO DAPAT MAGIGING ‘UNLI’ NA GAGO para patuloy na pasuweldohin si Caguioa at gastusan ang mga benepisyo at pangangailangan niya?

Gayong si Robredo LAMANG ang may napapalang buti sa kaniya.

Ni WALANG JUSTIFICATION na maibigay si Caguioa hanggang ngayon kung bakit kailangang maging UNLIMITED ang paghihintay ng sambayanan sa katapusan ng protesta ni Bongbong.

HINDI TAYO BANGKO O ALKANSIYA ni Caguioa, pati na ni Robredo. Kaya kung hindi tatablan ng kahit ga-tuldok na kahihiyan ang mamang ito, iparamdam na natin ng husto.
                                                      ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30






  


1 comment:

  1. No result for more than two years? The integrity of those people handling this matter are truly questionable at this point.

    ReplyDelete