Baka hindi ninyo napapansin, mga kababayan, ‘UNLI’
O UNLIMITED na ang pangaapi kay Richard Santillan.
Eksaktong 90 araw na kahapon nang patayin ng
walang laban si Richard noong Dec. 10 nung isang taon. Kilala ang mga nakapatay
sa kaniya, pati na ang kanilang mga commanding general at mga immediate commanding
officers nila.
Kabi-kabila na rin ang mga pisikal na
ebidensiya na HINDI NAKIPAG-BARILAN si Richard sa mga pulis sa isang checkpoint
sa Cainta kaya siya napatay. Tulad halimbawa ng pagiging NEGATIBO ni Richard sa
gunpowder burns at ang humigit kumulang na 60 sugat sa iba’t-ibang bahagi ng
katawan na hindi dahil sa tama ng bala.
Pero HANGGANG NGAYON, WALA pa ring inilalabas
na final report ang PNP sa imbestigasyon sa nangyari na ginawa DAW nila. May mga
CRIMINAL CASES nang isinampa ang boss ni Richard na si Glenn Chong laban sa mga
general at immediate superiors ng mga nakapatay sa kaniya.
Pero HINDI NABABALITA na NIRELIEVE na ang mga
ito ni PNP Director-General Oscar Albayalde o INOBLIGA na niya ang mga ito na
sagutin AGAD ang mga demandang inihain
ni Glenn. Itama ako ninuman pero ni WALA ngang nababalitang anuman na may
ginawa o iniutos na si Albayalde para matapos na agad ang kaso ng pagpatay kay
Richard.
At ang matindi, mga kababayan, WALA RING
ANUMANG LUMALABAS SA NATIONAL MEDIA tungkol sa ANO NA ANG NANGYARI sa kaso ni
Richard. As in NONE. WALA ring ginagawang follow-up ang sinuman. Itama ako agad
ninuman kung mali ako.
Kaya ito na lang ang masasabi ko, sa mga
kinauukulan: PAGMULTUHAN NA SANA KAYO NI RICHARD araw-gabi. At itanim ninyo sa
mga utak ninyo, TOTOO ANG KARMA.
***
Makakatulong po
ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan
ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat
po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30
No comments:
Post a Comment