Sunday, March 17, 2019

MGA KANDIDATONG ‘DILAW’, LALO NANG TAGILID!


Image result for images for duterte with his candidates
Lalo nang tagilid ngayon ang mga kandidato ng kultong ‘dilaw,’ kapartido man nila sa Liberal Party (LP) o kaalyado lamang, dahil sa GIMIK na krisis sa tubig sa eastern Metro Manila at mga kalapit na lugar.

ISANG LINGGO mahigit nang nagdurusa ang milyon-milyon nating mga kababayan dahil sa krisis sa teritoryo ng Manila Water, na pagaari/kontrolado ng pamilya Ayala na kilalang kakampi ng mga Dilaw. Gobyerno agad ang sinisi ng MWSS chief regulator.

Pansinin ninyo, WALANG SINUMANG ‘DILAW’ na kandidato ang BUMATIKOS/NAGALIT o nanawagan sa MWSS at sa Manla Water na solusyunan agad ang krisis.  

Pero nang magalit na si Pangulong Digong Duterte, ORAS LAMANG ang lumipas ay BIGLANG NAGKAROON NA ng tubig sa ba’t-ibang lugar. ORAS LAMANG.  So, si DIGONG ANG SOLUSYON. Kaya pati mga kandidato niya, mas bibigyang pansin ngayon kesa dati.  HINDI ang ‘Dilaw’ o sinuman sa mga kaalyado nila, na walang ginawa kundi manisi.

May kasabihan sa Tagalog, ‘kumuha ng batong ipinukpok sa ulo.’ Sa KABOBOHANG GIMIK na krsis sa tubig, itong batong ito ang PAPATAY sa pagasa ng mga kandidato nila sa araw ng botohan.  Kumontra na ang kokontra. 30


3 comments:

  1. All the moves of the Yellows are so desperate and pathetic. "Komontra na ang kokontra"! Hahaha!

    ReplyDelete
  2. Hi, Mr Boyet Antonio! I am an avid fan of your blog and I always enjoy reading at your timely and no-nonsense posts. Ride on!

    ReplyDelete