Kay dating
Health Sec. Janette Garin: MAGISIP-ISIP KA NA. NILAGLAG ka na sa Dengvaxia
issue.
HINDI IKAW ang
final approving authority sa pagbili at pagturok ng Dengvaxia sa mahigit
800,000 bata. Pero IKAW LANG ang kakasuhan sa husgado. Iyong mga boss mo, at
iba pang principal players sa Dengvaxia case, HINDI.
For those who
missed it, the Department of Justice (DOJ) has found probable cause to charge Garin and several others with reckless imprudence resulting to homicide for the deaths
of eight children allegedly due to Dengvaxia.
Kaya IKAW NA
LANG ang tuloy-tuloy na masisira, Janette. Ang reputasyon mo, hindi ang
reputasyon ng mga boss mo at ng mga mas matataas pa sa iyo sa naging transaksiyon
sa Dengvaxia. At kapag dumating na sa puntong iyon, sa tanggapin mo o hindi
pati na mga anak at iba pang mahal sa buhay maaapektuhan.
Tandaan mo,
Janette, HINDI NA ANG MGA KASAMA MO sa Dengvaxia ang mga naghahari sa bansa.
HINDI NA SILA ang masusunod. Kumbaga, BAHALA KA NA SA BUHAY MO mula ngayon.
Nasa sa iyo na
kung isasalba mo na ang sarili mo, at ang mga mahal mo sa buhay ngayon pa
lamang o hindi.
***
Makakatulong po ng malaki para
araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga
advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us
all. 30
No comments:
Post a Comment