Pati ang kampanya para sa mga local positions
ay nagsimula na ngayon. Kaya PIYESTA NA MGA MANDARAYA. SALAMAT SA COMELEC.
Bakit ko nasabI?
KAHIT ISANG KASO NG PANDARAYA na nadiskubre
sa protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo ay WALANG INAKSIYUNAN ang
Comelec. Kahit kabi-kabila na ang mga PISIKAL NA EBIDENSIYA.
Tulad ng transmission sa Ragay sa Camarines
Sur ng mga PEKENG RESULTA ng
halalan ISANG ARAW PA bago ang aktwal na botohan; basa, punit-punit at amoy
kemikal na mga balota; pre-shaded na mga balota sa pangalan ni Robredo;
puwersahang binuksan na mga ballot box at pagnakaw ng mga dokumento sa loob
nito at maraming marami pang iba.
TUKOY ang mga lugar na pinanggalingan ng mga
pisikal na ebidensiya ng DAYAAN. May records ang Comelec ng mga tao nilang
naka-assign sa mga lugar na iyon. Pero KAHIT ISA, WALANG NAPARUSAHAN. KAHIT
ISANG KASO NG PANDARAYA, WALANG NARESOLBA. As in DINEDMA NG COMELEC. Itama ako AGAD
ninuman kung mali ako.
Kaya hindi lang para sa senador o party-list
kundi para sa LAHAT NA NG POSISYON PUWEDENG MANGWALANGHIYA ang mga MANDARAYA
NGAYON. Dahil lamang sa HINDI SILA GINALAW ng Comelec.
BANTAY-SARADO tayong lahat sa araw ng
botohan, mga kababayan. Lalo pa pag isusubo na ang balota sa PCOs machine,
Kapag may pandaraya o katarantaduhan tayong makita, IVIDEO AGAD AT IPOST SA
SOCIAL MEDIA. Kung puwede, ISKANDALUIHIN ON THE SPOT ang gagawa ng
katarantaduhan.
SAMAHAN SANA TAYO NI MAMA MARY.
***
Makakatulong po ng malaki para
araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga
advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi
sa tiwala. God Bless us all. 30
No comments:
Post a Comment