May isang tanong na tuloy-tuloy na lumulutang
sa patuloy na krisis ng tubig sa eastern Metro Manila at iba pang lugar: UNTOUCHABLE
BA ang Manila Water sa MWSS?
Pansinin ninyo, mga kababayan:
Buhat nang magsimula ang krisis sa tubig mahigit
isang linggo na ang nakakaraan, WALANG PANG ANUMANG AKSIYON na ginagawa ang
MWSS laban sa Manila Water. Ni ISANG SALITA man lamang ng galit o pagkondena sa
INCOMPETENCE/KAPALPAKAN ng naturang kumpanya, WALA pang naririnig ang
sambayanan mula sa MWSS.
Sa halip, GOBYERNO AGAD ANG PARTIKULAR na
sinisi ni MWSS chief regulator Patrick Sy. Hindi binanggit man lamang ni Sy ang
Manila Water.At nang magalit si Pangulong Digong Duterte, biglang dalawang pagkakamali ng Manila Water ang dapat
sisihin.
Ganun lang. Walang anumang pahayag ang MWSS
na IIMBESTIGAHAN O PAGPAPALIWANAGIN man lamang ang Manila Water. O parurusahan
sa anumang paraan para sa milyun-milyong patuloy na pinahihirapan ng krisis.
TERITORYO NG MANILA WATER ang may krisis. Na
bilang concessionaire para sa eastern Metro Manila, RESPONSIBILIDAD LAMANG ng
MWSS ang siguruhing hindi kakapusin ng tubig ang mga taga eastern Metro Manila.
ANUMAN ANG MANGYARI, gaya ng pagdami ng
populasyon.
Pero patay malisya, o ‘dedma’, na ang MWSS sa
Manila Water. Sila na ang DALDAL NG DALDAL ngayon sa media sa halip na ang naturang
kumpanya. Tulad ng sinabi ko sa nauna kong blog, lantaran na tayong GINAGAGO NA
SAMBAYANAN.
Kung hindi untouchable ang Manila Water sa
MWSS, kumontra na ang kokontra.
***
Makakatulong po
ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan
ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat
po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30
No comments:
Post a Comment