Ngayon, malinaw na ang lahat: Ginagawang
panakip-butas ng Ocho Derecho at ng mga boss nila ang kontrobersiya sa
graduation ni Imee Marcos sa college. PANAKIP-BUTAS sa mga KAWALANGHIYAAN na nali-link
o nauugnay ang ilang miyembro nila na ayaw na nbilang maalala pa ng sambayanan.
Araw-araw, may lumalabas sa national media
tungkol sa kontrobersiya. Paulit-ulit man ang istorya o iibahin lang ng kaunti
para magmukhang bago. Pero HANGGANG NGAYON, WALANG NAGLALABAS AT WALANG
NAGFO-FOLLOW UP sa national media, lalo pa sa ABS-CBN at Inquirer, sa mga
kawalanghiyaang iyo. Gaya halimbawa ng mga sumusunod:
Ang MAHIGIT P1 BILYON na OVERPRICING ng mga
Mahindra police vehicles; milyun-milyong ‘Yolanda’ funds na WALA PANG
DETALYADONG KUWENTA kung saan lahat napunta; anomaly sa maintenance contract at
iba pang transaksiyon sa MRT-3..na naganap lahat noong si Mar Roxas pa ang
secretary ng departments of Interior and Local Government at Transportation and
Communications;
Ang FAKE NEWS ni Romy Macalintal, pati na ng
kliyente niyang si Leni Robredo, na nanalo sila sa petisyon nila sa
Presidential Electoral Tribunal (PET) para sa 25 percent ballot shading
threshold sa recount. Kung tama ang pagkakatand ako ay kasama nina Macalintal
at Robredo si Florin HIlbay sa pagannnounce ng fake news na iyon sa isang press
conferfence ;
Laguna outing ng mahigit 20 tauhan ng PET at
ng isang empleyado ni Robredo sa kainitan ng recount; magic squares sa tabi ng
pangalan ni Robredo sa mga balotang sakop ng recount;
Ang PATULOY NA NEWS BLACKOUT sa recount, at
sa pagpatay sa aide ni Glenn Chong na si Richard Santillan.
Kahit isa sa Ocho Derecho ay WALA PA KONG
NABABALITAANG NANAWAGAN para sa katotohanan o ININTERVIEW man lamang sa
national media tungkol sa mga KAHAYUPANG ITO.
Pero kapag ang kontrobersiya ng paggraduate ni Imee, araw-araw meron sa
national media. Hanggang sa kaliit-liitang detalye.
Ang sinumang kokontra na hindi ginagawang panakip
butas si Imee, siguruhin lang na may
detalye.
***
Makakatulong po ng malaki para
araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga
advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us
all. 30
Very well said Sir Boyet Antonio.
ReplyDeletemaraming salamat, nenita.
DeleteDi ko ma gets ang kahalagahan ng diploma sa kanila, kung pagsisinungaling ang tema nila ay nariyan lantad ang kasinungalingan ng sindikato sa COMELEC/ Smartmatic na ayaw naman nilang ungkatin. Di ba ang maging anak ng pangulo, kongresista at gobernador ay titulong higit pa sa diploma? Tulad na lang ni Manny Pacquiao, ano naman ang kuwenta ng diploma sa tinamo nitong mga karangalan hindi lang pansarili kundi maging ng buong bansa pa.
ReplyDeleteThank you sir Boyet for for this post. Very well said.for me deploma is not a big issue. Ang mahalaga sino ang may malasakit sa people s of the Philippines.
ReplyDelete