Monday, March 18, 2019

FIRE, SUE AND PROBE MWSS REGULATORS


Image result for images for eastern metro manila water shortage
The ENTIRE Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) regulatory board should be FIRED by President Digong Duterte or whoever is their immediate boss. And sued, CRIMINALLY OR CIVILLY OR BOTH if possible, in ALL THE COURTS of the Manila Water concession area.

Plus, somebody must start checking the regulators’ bank accounts or other financial records for QUESTIONABLE deposits or assets.

Anuman ang PALUSOT na gawin ng mga regulator sa pangunguna ni Patrick Ty, hindi mabubura ang katotohanan na nangyari ang krisis sa tubig sa Manila Water concession SA PANUNUNGKULAN NILA. At WALA man silang abiso o warning na magkakaroon ng malawakan at matagalang krisis sa tubig.

Umabot sa 1.2 MILYONG KABAHAYAN ang naapektuhan ng krisis. Bukod pa rito ang mga negosyong nawalan o nabawasan ng mga kostumer dahil wala silang tubig. Milyong katao ang nabawasan ng kinikita dahil hindi nakapasok ng maayos sa trabaho.

At nang tanungin siya sa imbestigasyon ng House of Representatives kanina, BUONG NINGNING pang sinabi ni Ty na walang kapangyarihan ang MWSS na parusahan  ang Manila Water sa ilalim ng concession agreement. Nang sunud-sunod na siyang kontrahin ng mga congressman, wala nang nasabi si Sy kundi babasahin nila ulit ng opisina nya ang agreement.

BAKIT PUMAYAG ang MWSS sa ganoong kondisyon sa concession agreement?

Pero ang MAS MALALA AT KADUDA-DUDA, GOBYERNO AGAD ang sinisi ni Ty sa krisis nang una siyang makausap ng mga taga-media. Hindi man lang niya binanggit ang Manila Water. Pero nang magalit na si Digong kinabukasan, oras lamang ang pagitan ay Manila Water na ang may kasalanan.

BAKIT INUNA NIYA MUNANG TIRAHIN ANG GOBYERNO kesa Manila Water?  May NAGUTOS ba sa kaniya? Abogado daw itong si Ty kaya IMPOSIBLENG SAGAD LAMANG ANG KABOBOHAN AT KAYABANGAN NIYA kaya nangyari ang lahat ng ito, dahil ‘feel’ o gusto niya lang. Wala nang bang dahilan.

MALALIM AT MALAWAK ang krisis na ito, mga kababayan. WALANG DAPAT MAKAALPAS. Sa mga nagdusa at nagdurusa hanggang ngayon, papayag ba kayong sori na lang kayo at WALANG MANANAGOT?
                                                ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30


No comments:

Post a Comment