Friday, March 22, 2019

KATANGAHAN ANG MAGDONATE SA 8 DERECHO!

Image result for images for ocho derecho
Pito sa Ocho Derecho
Apat na beses na kong nakakakita ng posts na humihingi ng donasyon para sa kampanya ng Ocho Derecho, ang senatorial candidates na suportado ng nakaraang Aquino administration.

Bago maawa o iconsider man lamang ninuman na magbigay, HUWAG NINYONG KALIMUTAN: DAANG BILYONG PISONG mga anomalya noong Aquino Administration ang naganap at nadiskubre na. At hanggang sa matapos ang termino ni Noynoy Aquino, KAHIT ISA AY WALANG NAPARUSAHAN.

Kabilang sa mga anomalyang ito ay ang mga sumusunod:

P12-B road right of way, P10-B PDAF, P17-B DAP, P3.8-B license plates na bayad na pero ilang buwan na ay HINDI PA NAIRELEASE, ang hindi pa maipaliwanag ng detalyado na P90-B ‘Yolanda’ fund,  P296-milyong (M)  tabi-tabing toilet bowl sa mga istasyon ng Philippine National Railways, P1.9-B na OVERPRICE sa mga Mahindra police vehicles, P10-M na flagpole, P12-M na kahoy na tulay, P3.5-B Dengvaxia scandal, maanomalyang P38-B na passport printing scam, P1.4-B na police combat at  patrol gear scandal, P10.6-B na mga health center na HINDI NATAPOS, P3.8-B na mga depektibo o maling bagon para sa MRT, market o merkado ng mga ilegal na droga sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa at maanomalyang maintenance contract para sa MRT-3.

Hanggang sa matapos ang termino ni Noynoy Aquino, KAHIT ISA AY WALANG NAPARUSAHAN dahil sa anuman sa mga ito. Tapos ngayon, may nanghihingi ng donasyon para sa Ocho Derecho?

Ipagsigawan ninyo, mga kababayan, na HINDI TAYO TANGA. Isigaw natin hindi lang sa Ocho Derecho kundi pati na sa mga boss nilang si Leni Robredo at Francis Pangilinan.

Kumontra na ang kokontra.
                                                       ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30
                                                     




  



No comments:

Post a Comment