Tuesday, March 19, 2019

MWSS, TODO PROTEKSIYON SA MANILA WATER!

Image result for images for mwss chief regulator patrick ty
Patrick Ty

Lantarang TODO-PROTEKSIYON na ang ibinibigay ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Manila Water.

A story in https://news.abs-cbn.com/news/03/19/19/mwss-manila-water-may-be-penalized-in-june-or-july-over-supply-outage said according to MWSS chief regulator Patrick Ty, "We are exploring the option of imposing it (penalty on Manila Water), IF THERE IS ANY, AROUND JUNE OR JULY (emphasis mine)."

So, TULOY ANG LIGAYA ng Manila Water. Tulad ng kanilang mataas na rates at ADVANCED NA SINGIL para sa HINDI PA GUMAGANANG Cardona treatment plant. Habang TULOY DIN ANG DUSA ng kanilang mga consumer.

At pansinin ninyo, mga kababayan, ‘if there is any’ ang sinabi ni Ty. Ibig sabihin, HINDI PA SIGURADONG MAPAPARUSAHAN ang Manila Water dahil sa krisis sa tubig sa kanilang concession area.

Even if there is no law which prevents government from imposing penalties on Manila Water earlier than the firm’s rate rebasing in 2022. 

Ang malalala, gusto pang magpa-‘pogi’ ni Ty tungkol sa penalty.
Ty said: "We are studying it right now, we are also actually studying the amount of the penalty that will be imposed, which can be rebated.”

Eastern Metro Manila at mga kalapit na lugar LAMANG ANG APEKTADO ng krisis sa tubig. HINDI ANG BUONG BANSA.  Bakit TATLO HANGGANG APAT NA BUWAN pa ang kailangan ng MWSS bago madesisyunan KUNG paparusahan nila ang Manila Water o hindi, at MAGKANO kung sakali?

Sino sa akala ng MWSS ang TINATARANTADO NILA?

Kung hindi PROTEKSIYON ITO ng MWSS sa Manila Water, aamin ba ang mga MWSS na puro SUPER BOBO AT INCOMPETENT TO THE MAX ang mga regulator nila at magcompute lamang at magdesisyon sa isang LOKAL NA KRISIS AY ILANG BUWAN ang kailangan?

Hindi lang panloloko ito. GARAPALANG PANG-AAAPI na ito sa mga taga eastern Metro Manila. HINDI ITO DAPAT PALAMPASIN ninuman.
                                                          ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30

No comments:

Post a Comment