Wednesday, October 17, 2018

PINAGTATAWANAN NA TAYO NG MGA MANDARAYA!


Image result for images for alfredo benjamin caguioa
Pustahan  kahit magkano, PINAGTATAWANAN NA tayong Sambayanan ng mga MANDARAYA noong 2016 elections.  At baka NILALAIT pa.

Anumang galit natin, anumang INSULTO O PAGMUMURA, o pakonsiyensiya ang ipahayag natin, BINGI AT HINDI TINATABLAN NA MASAHOL pa sa mga PARALITIKO, ang mga kinauukulan na may kapangyarihang tuklasin ang katotohanan.

At PARUSAHAN ang mga MANDARAYA.

HANGGANG NGAYON, WALANG NAPAPARUSAHAN O NAKAKASUHAN sa mga opisyal o tuahan ng Comelec at Smartmatic na may jurisdiction o responsible sa mga natuklasan nang dayaa.

Kagaya ng mga pagpapadala ng mga resulta kuno ng botohan sa ilang lugar ISANG ARAW PA BAGO ANG AKTUWAL NA ELEKSIYON; PRE-SHADED NA BALOTA para kay Leni Robredo; mga basa, punit-punit, amoy kemikal  at mga may paso na mga balota; mga ballot box na puwersahang binuksan at pinakialaman ang mga nawawala, walong container vans na may lamang mga ballot box at mga balota na inabandonaat nang mabalita sa isang dyaryo lamang ay hindi na malaman kung nasaan; HINDI AWTORISADONG PAGBABAGO na ginawa ng Smartmatic sa script ng transparency server noong unang gabi ng bilangan at ang PATULOY NA PAGTANGGI ng Comelec na ipakita ito; at marami pang iba.

At ang PINAKAMALALA, patuloy ding WALANG NABABALITANG AKSIYON o rekomendasyon si Bongbong Marcos protest supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa sa KAHIT ISA SA MGA ITO. Hindi pagaksiyon na WALA RING KASAMANG PALIWANAG kung bakit ganoon siya.

Minsang umaksiyon si Caguioa ay PABOR PA KAY ROBREDO – ang pagsangayon niya sa petisyon nito na 25 percent ballot shading threshold lang dapat ang gamitin sa manual recount. Mabuti na lamang at HINDI SIYA SINANGAYUNAN ng mga kasamahan niya sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Pero para kay Caguioa, at pati na sa Comelec, parehas pa sila ng lagay na iyan sa paghawak ng protesta at ng halalan noong 2016.

ONLY IN THE PHILIPPINES! Kumontra na ang kokontra.30





No comments:

Post a Comment