Sunday, October 14, 2018

HINDI PAGGALAW KAY ANDY, PROTEKSIYON SA MANDARAYA!


Image result for images for andres bautista
Ang patuloy na HINDI PAGGALAW O PAGPAPAUWI kay dating Comelec Chairman Andres ‘Andy’ Bautista ay PATULOY DING PROTEKSIYON SA MGA MANDARAYA noong 2016 elections.

Ang sinumang hindi man lang mananawagan para pabalikin si Andy sa Pilipinas para pagpaliwanagin, o kasuhan, sa mga dayaang nabubulgar na ay HINDI DAPAT IBOTO NINUMAN sa halalan sa 2019.

Bilang dating Comelec chairman, si Andy ang may PINAKAMARAMING ALAM SA mga dayaan nong 2016 election. IMPOSIBLENG WALA SIYANG ALAM sa mga nangyari sa looob at sa labas ng Comelec. Kung hindi man niya personal na ginawa ang pandaraya ay KINUNSINTI niya.

Tulad na lamang ng hindi awtorisadong pagbabago na ginawa ng Smartmatic sa script ng transparency server nooong simula ng bilangan noong gabi ng eleksiyon. Paulit-ulit mang hiniling ni Bongbong Marcos at ng iba’t-ibang sector na ipakita ng Comelec ang ginawa ng Smartmatic sa publiko ay HINDI PUMAYAG si Andy, hanggang sa magresign siya.

Nariyan din ang mahigit 30 SD cards na natukjlasang may laman kahit na nauna nang dineklara ng Comelec na hindi nagamit ang mga ito noong 2016 elections. Pati na ang reklamo ng hindi mabilang na mga miyembrio ng Iglesia ni Cristo sa ilang lugar sa MInadanao na nazero vote si Bongbong Marcos kahit na ito ang ibinoto nila at hindi si Leni Robredo. Isama na rin natin ang  PAGAMIN ng Smartmatic na gumamit sila ng server na hindi nila ipinaalam sa Comelec.

Mahaba pa ang likstahan. Pero WALANG NABALITANG ANUMANG AKSIYONG GINAWA si Bautista sa kahit isa sa mga ito.At iyon nga, WALANG NANAWAGAN kahit isa na pabalikin siya rito sa anumang paraan para  maimbestigahan.

TINARANTADO tayo at ang ating mga boto noong 2016, mga kababayan. At PATULOY TAYONG GINAGAGO sa mga dayaang naganap. WALA na dapat magpaloko pa. At alsito tayo lagi, BAKA MAGKABIGL;AAN O MAGKA-‘MILAGRO’ na naman bandang huli!
                                                                ***
Guys, please help me maintain our blog by clicking on and checking out the advertisements around it. Thanks, always, and God bless. 30


1 comment:

  1. Baka pinapahinog lng c andy antay lng tayo!!isa isa lng

    ReplyDelete