Si Bongbong Marcos protest supervising
Justice Alfredo Benjamin Caguioa na ang DAPAT MAGPALIWANAG ngayon sa KAWALAN NIYA
NG AKSIYON o rekomendasyon man lamang sa mga ebidensiya at senyales ng DAYAAN NA
NADISKUBRE O NANGYARI NA sa manual recount ng mga boto nina Bongbong at Leni
Robredo!
Kung hindi siya PROTEKTOR ni Robredo, HINDI
DAPAT MAGNG PROBLEMA kay Caguioa na sagutin o ipaliawanag AGAD-AGAD ang mga
ebidenisya at senyales ng dayaan. Tulad ng mga sumusunod:
Ang kawalan ng anumang aksiyon o
rekomendasyon mula sa kaniya tungkol sa PAGSISINUNGALING ni Robredo kamakailan
na nanalo siya sa kaniyang mosyon sa Presidential Electoral Tribunal (PET) para
sa 25 percent ballot shading threshold;
KAWALAN NG BALITA sa mga tauhan ng Comelec at
iba pa na inutusan ng PET ilang buwan na ang nakakaraan para ipaliwanag ang mga
BASANG BALOTA, BALOTANG AMOY KEMIKAL, PUNIT-PUNIT NA BALOTA, PRE-SHADED na mga
balota sa pangalan ni Robredo, ballot boxes na PUWERSAHANG BINUKSAN, mga balotang
may mga paso mula sa iba’t-ibang bayan ng probinsiya ni Robredo na Camarnes Sur
at marami pang iba. MINSAN LAMANG nabalita sa national media na may mga
pinagpapaliwanag na ang PET. Pero matapos iyon, WALA NANG NAGING KASUNOD NA
BALITA SAAN MAN tungkol dito. AS IN WALA.
KAWALAN NG BALITA sa naging sagot kuno ng
Comelec sa mga TRANSMISSION NG RESULTA KUNO NG HALALAN sa Ragay, Camarines Sur
ISANG ARAW PA bago ang aktwal na botohan.
KAWALAN ng investigation report at findings HANGGANG
NGAYON, PATI NA NG AKSIYONG GINAWA kung mayroon man, sa outing ng isang tauhan
ni Robredo at ng 24 na tauhan ng PET sa Pansol, Laguna.
Ang PATULOY NA NEWS BLACKOUT sa nagiging
RESULTA ng recount at mga nangyayari roon. Kung WALANG DAYAAN O WALANGHIYAANG
NAGAGANAP O NADIDISKUBRE, walang dahilan para patuloy na ilihim ang mga ito sa
sambayanan.
MAHABA pa ang listahan. Pero KAHIT ISA,
WALANG NABABALTA na anumang aksiyon o rekomendasyon ni Caguioa laban sa mga
ito. Itama ako agad ninuman kung mali
ako. Siguruhin lang na may detalye at PISIKAL NA EBIDENISYA. 30
No comments:
Post a Comment