NAHIHIBANG na, malamang sa nerbiyos, si Antonio
Trillanes sa posibilidad na arestuhin siya dahil sa kaso niyang coup d’etat sa
Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148
In a story in http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/671189/trillanes-i-hope-rtc-148-judge-would-do-the-right-thing/story/?just_in,
Trillanes replied when asked why would the people care at all about his case: "Ako simbolo ng demokrasya. Ako ay
miyembro ng opposition. At kung [matalo] ako, lalabas na wala nang rule of law,
may erosion, o wala na ang demokrasya."
NAGUUMAPAW NA NERBIYOS lamang ang posibleng
maging dahilan ng ganitong KALALANG DELUSYON. Hindi lang ilusyon, DELUSYON.
Sa kailaliman ng kaniyang konsiyensiya (at mayroon pa naman siya siguro kahit GA-TULDOK), ALAM ni Trillanes na KASINUNGALINGAN ang sinasabi niyang siya ang simbolo ng demokrasya. Maliban sa SARILI NIYA, alam ni Trillanes na WALANG BATAS O KAUTUSAN ng sinumang presidente o alinmang husgado na nagsasabing siya ang dapat na kilalanin ng sambayanan na simbolo ng demokrasya.
HINDI RIN SIYA ang simbolo ng BATAS O
KATARUNGAN. Kung ipaaresto man siya ng Makati RTC Branch 148, iyon ay dahil
PINAIRAL ANG BATAS na nararapat sa kaniyang kaso. WALANG BATAS O KAUTUSAN na
nagsasabing wala ng rule of law kapag siya ay pinaaresto. At lalong hindi porke’t
siya ay miyembro ng Oposisyon at lumalaban kay Pangulong Digong Duterte ay
EXEMPTED na siya sa batas.
Bukod kay Trlilanes ay marami pang lumalaban
kay Pangulong Duterte. Pero wala pa kong narinig o nabalitaan na nagsalita ng
KASING DELUJSYONADO AT KASING-YABANG ng mga deklarasyon ngayon ni Trillanes.
Ipinakita na ni Trillanes ang kaniyang TUNAY NA KULAY.
Itama ako ninuman kung may mali sa mga sinabi
ko. Siguruhin lang na may maipapkaitang dokumentadong ebiden siyha at hindi
DALDAL LAMANG.
***
Guys, please
help me maintain our blog by clicking on and checking out the advertisements
around it. Thanks, always, and God bless. 30
Ang galing ni Digong, SolGen Calida and DOJ Sec Guevara. Pinagaralan si Trillanes. Dinaan sa legal. Nasilip sablay ang amnesty niya. Eh yari na si Trillanes. Malamang maaresto at hindi makakatakas dahil HDO pa!
ReplyDelete