Saturday, October 6, 2018

NEGOSYANTE ANG SISIHIN NINYO SA INFLATION!

Image result for images for duterte
Bago MALOKO ng tuluyan ng mga SINUNGALING ang karamiihan sa Sambayanan, LIWANAGIN LANG NATIN: Mga SUWAPANG NA NEGOSYANTE ANG DAPAT SISIHIN, ang dapat IKULONG, sa sobra-sobrang inflation o TAAS NG PRESYO ng mga bilihin. Hindi si Pangulong Digong Duterte.

HINDI si Digong ang may-ari ng mga negosyo, ng mga kumpanya na gumagawa ng ating mga pangunahing kailangan tulad ng pagkain. Lalong HINDI si Digong ang mayari ng mga kumpanya ng langis. Kaya’t HINDI ang Pangulo ang NAGDEDESISYON AT MASUSUNOD kung kailan magtataas ng presyo ang mga BUWAYANG NEGOSYANTE AT KUNG MAGKANO.  

Kung ang ikakatwiran naman ay ang TRAIN Law, tandaan ninyo mga kababayan na HINDI si Digong ang NAGPASA nito sa  Senado at Kongreso. Mga senador at congressman. Kaihit na si Digong ang pumirma ng TRAIN para maging batas ito, HINDI MAGKAKAROON nito kundi ipinasa ng Senado at House oif Representatives. Iyan ang TOTOO.

Trabaho ni Digong na labanan/pigilan ang sobra-sobrang pagtaas ng presyo. Pero kahit hindi ako ekonomista, mangangahas akong sabihn ngayon na HINDI ITO KAYANG GAWIN ninuman sa isa o dalawang linggo lamang, o buwan.  Kung maymagsasabing mali ako, siguraduhin lkamang na may maibibigay na pangalan at SAPAT AT BERIPIKADO/TOTOO na karanasan at kaalaman para pigilan o tapusin agad-agad ang inflation.

Huwag nating kalimutan, mga kababayan, HINDI LAHAT NG PROBLEMA NG BANSA AY KAGAGAWAN ng kahit na sinong pangulo. KASUWAPANGAN, KAWALANGHIYAAN ng iba ang pinagmumulan ng mga problema.
                                                            ***
Guys, in case you see advertisements around our blog, please click on them. They’re advertisements by google ad sense and google supports our blog. Thanks, always, and God bless. 30




No comments:

Post a Comment