Monday, October 15, 2018

KAPAL MO NAMANG MAG-SENADOR, MAR!


Image result for images for mar roxas
Ayon sa isang balita sa inquirer.net, kakandidato daw senador si Mar Roxas.

Ito ang sa akin: KAPAL NAMAN NG MUKHA MO! Kahit isa sa mga kontrobersiyang naiugnay sa iyo, WALA KANG NAIPALIWANAG. Tapos, magse-senador ka pa!

Bago ka kumandidato, Mr. Roxas, PATUNAYAN MO MUNANG WALA KANG KINALAMAN sa mga ito:

Ang halos P1.3 BILYONG OVERPRICE sa mga police vehicles na binili ng Aquino Administration noong ikaw ang Department of Interior and Local Government (DILG) secretary.

Ang KAWALAN NG DETALYADONG KUWENTA hanggang ngayon kung saan napunta ang BILYUN-BILYONG ‘Yolanda’ funds na binigay sa iyo para sa mga biktima ng trahedya. Kung tama ang pagkakantanda ko ay humigit-kumulang sa P7 bilyon.

Ang HINDI MO PAGAKSIYON laban sa huweteng noong DILG secretary ka. ILEGAL ANG HUWETNG at ang PNP, na nasa ilalim mo noon, ang pangunahing responsable sa pagsugpo nito.

Ang TOTOONG alam mo sa TUNAY NA NANGYARI sa SAF 44 massacre. At kung ipipilit mong you were kept in the dark, BAKIT HINDI KA NAGRESIGN hanggang sa matapos ang administrasyon ni Noynoy Aquino? Bakit mo tiniis na PINAGMUKHA KANG TANGA?

Ang HALOS PAGKABULOK na ng MRT-3 noong Transportation and Communications secretary ka…ang halos araw-araw na pagkasira ng mga train at mga pasilidad sa mga istasyon kahit na MAY MAINTENANCE BUDGET BUWAN-BUWAN para sa mga ito.

Sumagot na ang gustong sumagot.
                                                         ***
Umabot na sa 9 million pageviews ang ating blog. Patuloy sana ninyo akong suportahang ,makapagpost sa pamamagitan ng pagclick sa mga advertisement na makikita ninyo sa paligid ng ating blog. God Bless you all at muli, ang aking walang katapusang pasasalamat.30

2 comments:

  1. Meron pa ang pagbubulagbulagan nya sa mga narco-generals at ang libolibong kapulisan na miembro ng ninja cops.

    ReplyDelete