Wednesday, October 10, 2018

WALA NG PIPIGIL PA SA IBANG ‘BERTIZ!’


Image result for images for aniceto bertiz
NIREPRIMAND o pinagsabihan lamang pala si Congressman Aniceto Bertiz sa PANGHIHIYA NIYA SA PUBLIKO AT PAGTANGGAL NIYA ng ID sa isang tauhan ng NAIA Terminal 2 na sinita siya sa hindi niya pagsunod sa security procedures doon.

WALA NG PIPIGIL PA, kung gayon, sa iba pang abusadong pulitiko na tulad ni Bertiz para AGRABYADUHIN AT HIYAIN ang sinumang maisipan nila saan man sila naroroon.  

Salita o sermon lang pala ang parusa nila kung sakali. Hindi man lang suspensiyon. At kung paparushan man sila, may depensa na sila agad na ‘Bakit si Bertiz, reprimand lang?’

Di kailan lang pala puwedeng masuspinde man lamang ang conghressman – kapag nanggulpi, naggahasa, kapag hinubaran ng damit sa publiko ang isang tao…?

Kaya kung sakaling may magiging biktima pa ulit si Bertiz, sinupamang abusadong pulitiko na tulad niya:  LUMABAN NA KAYO NG SABAYAN!

Kung sasaktan o magiging pisikal sa inyo tulad ng nangyari sa taga Terminal 2, GANTIHAN NINYO. ISKANDALUHIN din ninyo kung hihiyain kayo sa harap ng maraming tao. At makiusap kayo sa mga makakakita na IVIDEO ang mga mangyayari para may ebidensiya kayo.

NASA SA ATIN din kung paano titigil o mawawala ang mga abusadong pulitiko, lalo pa sa eleksiyon sa isang taon. 
                                                          ***

Guys, in case you see advertisements around our blog, please click on them. They’re advertisements by google ad sense and google supports our blog. Thanks, always, and God bless. 30        


  





No comments:

Post a Comment